3 anyos na batang babae, patay matapos mahulog mula Ika-16 na palapag ng condominium sa Malate

3 anyos na batang babae, patay matapos mahulog mula Ika-16 na palapag ng condominium sa Malate

- Tatlong taong gulang na bata, nasawi matapos mahulog mula sa ika-16 palapag ng isang condominium

- Ina ng biktima, laking gulat nang makita ang anak na duguan sa balkonahe ng ikawalong palapag

- Unang iniwang natutulog ang bata ng kasama sa unit upang pumasok sa trabaho

- Hindi na naisalba ang bata nang isugod sa ospital dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan

Isang tatlong taong gulang na batang babae ang binawian ng buhay matapos mahulog mula sa ika-16 na palapag ng kanilang tinitirhang condominium unit sa Malate, Manila noong Lunes ng umaga, Abril 8.

3 anyos na batang babae, patay matapos mahulog mula Ika-16 na palapag ng condominium sa Malate
3 anyos na batang babae, patay matapos mahulog mula Ika-16 na palapag ng condominium sa Malate (📷Pexels)
Source: Facebook

Kinilala ng Manila Police District–Homicide Section ang biktima bilang si Baby Latha, residente ng Unit 16 sa isang kilalang condominium building sa nasabing lugar. Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang madiskubre ng kanyang inang si alyas “Kris” ang sinapit ng anak.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na natutulog umano si Baby Latha noon kasama si alyas “Hoyeon,” isang barbero na kasalukuyang naninirahan rin sa condo unit. Umalis daw si Hoyeon upang pumasok sa trabaho, dahilan upang maiwang mag-isa ang bata sa silid.

Read also

Sue Ramirez, personal nang nakilala ar nakasama ang mga magulang ni Dominic Roque

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nang dumating si “Kris” sa condo ay agad siyang nagtaka sa pagkawala ng anak. Hinanap niya ito sa loob ng unit, hanggang sa mapagpasyahang silipin ang balkonahe. Laking gulat na lamang niya nang matanaw ang anak na nakahandusay, duguan, at walang malay sa isang bahagi ng balkonahe sa ikawalong palapag.

Mabilis na bumaba ang ina upang saklolohan ang anak at isinugod ito sa Ospital ng Maynila. Subalit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor dahil sa malubhang pinsala sa ulo at katawan na dulot ng pagbagsak mula sa matataas na palapag.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente, kabilang ang mga posibleng kapabayaan, habang sumasailalim naman sa masusing pagsusuri ang lugar ng insidente upang matukoy kung paano nakalapit ang bata sa balkonahe.

Sa pag-usbong ng internet at makabagong teknolohiya, nagbago ang paraan ng pagbabalita at pagkonsumo ng impormasyon. Mula sa tradisyunal na pahayagan at telebisyon, lumipat ang maraming mamamayan sa online platforms para sa mabilis at agarang balita. Ang mga website tulad ng Kami.com.ph ay naging pangunahing pinagmumulan ng mga balita at kwento, na nagbibigay ng real-time updates at mas malawak na saklaw ng impormasyon. Bukod dito, naging mas interaktibo ang pagbabalita, kung saan maaaring magkomento at magbahagi ng opinyon ang mga mambabasa, na nagpapalalim sa diskurso sa iba't ibang isyu.​

Read also

Lalaking nag-motorsiklo papasok sa simbahan sa Taal, Batangas, inaresto

Isang apat na taong gulang na bata ang pumanaw dahil sa pneumonia. Ayon sa ina, maaaring ang secondhand smoke mula sa kamag-anak ang naging sanhi ng sakit ng bata. Gayunpaman, natuklasan ng mga doktor na aspiration pneumonia ang tunay na dahilan, na dulot ng pagkain o likido na napunta sa baga. Matapos ang ilang cardiac arrests, nagpasya ang mga magulang na itigil na ang resuscitation efforts.

Isang anim na taong gulang na bata ang natagpuang patay sa Tacloban City. Ayon sa pamilya, huli siyang nakitang buhay noong Enero 2025. Natagpuan ang kanyang katawan sa isang abandonadong gusali, na may mga palatandaan ng foul play. Nanawagan ang pamilya ng hustisya at masusing imbestigasyon sa kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate