Viral vlogger na pulis, naglabas ng mensahe sa pamamagitan gn open letter
- Naglabas ng saloobin si Patrolman Francis Steve Fontillas sa pamamagitan ng isang open letter tungkol sa hirap ng buhay ng pulis
- Humingi siya ng tawad sa Quezon City Police District matapos ang kanyang seditious comments at hate speech sa social media
- Iginiit ng NAPOLCOM na itutuloy pa rin ang criminal at administrative cases laban kay Fontillas
- Sinampahan siya ng reklamong inciting to sedition dahil sa kanyang pagtutol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng ICC
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naglabas ng saloobin sa pamamagitan ng isang open letter si Patrolman Francis Steve Fontillas, isang viral vlogger at kilalang tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos siyang humarap sa Quezon City Police District (QCPD) kaugnay ng kanyang kontrobersyal na mga pahayag sa social media.

Source: Facebook
Sa kanyang open letter na pinamagatang “OPEN LETTER TO EVERYONE,” isiniwalat ni Fontillas ang hirap ng buhay ng isang pulis at ang mga sakripisyo nilang ginagawa para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lipunan.

Read also
Sarah Balabagan Sereno, sinagot si Arnold Clavio dahil sa komento tungkol sa "prayer rally"
"Akala niyo kasi madali ang buhay ng pulis, 24 hours kaming nakaduty, 12 hours na active duty, 12 hours na on call duty. Kahit bumabagyo o bumabaha pa yan, di pwedeng hindi kami magduty. Kahit anong peligro pa yan, susuungin namin para sa bayan," bahagi ng pahayag ni Fontillas.
Inihayag din niya ang pagkadismaya sa negatibong pagtingin ng publiko sa mga pulis matapos ang ilang insidente ng pagkakasangkot ng iba sa kontrobersya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Isang pulis lang ang nagloko, pero idinamay niyo na kaming lahat. Hindi man lang namin maipagtanggol ang sarili namin dahil hinusgahan niyo na agad kami dahil sa kasalanan ng iilan," dagdag pa niya.
Nag-report at humingi ng paumanhin si Fontillas sa QCPD matapos ang umano’y seditious comments at hate speech na isinagawa niya sa kanyang social media platform. Naging kontrobersyal si Fontillas matapos niyang magpahayag ng matinding pagtutol sa pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Duterte.
Sa kabila ng kanyang paghingi ng tawad, iginiit ng National Police Commission (NAPOLCOM) na itutuloy pa rin nila ang pag-usad ng criminal at administrative cases laban kay Fontillas.
"The NAPOLCOM and the PNP will continue to pursue the criminal and administrative cases against Fontillas. As far as the administrative cases filed in NAPOLCOM is concerned, we will resolve it with judicious dispatch as his fitness to remain in the police service is what is at stake," pahayag ng ahensya.
Matatandaang sinampahan si Fontillas ng reklamong inciting to sedition matapos ang umano’y mga mapanulsol na pahayag online na nag-ugat sa kanyang pagtutol sa pag-aresto ng ICC kay Duterte.
Habang umaasa si Fontillas na maunawaan ng publiko ang kanilang sakripisyo bilang pulis, nananatili pa rin ang banta ng posibilidad na mawalan siya ng karapatang magpatuloy sa serbisyo.
Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.

Read also
Pulis na vlogger, sinampahan ng kasong inciting to sedition at paglabag sa Cybercrime Law ng QCPD
Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.
Viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper. 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh