10 katao, sugatan matapos mag-malfunction ang escalator sa Taft Avenue station ng MRT3

10 katao, sugatan matapos mag-malfunction ang escalator sa Taft Avenue station ng MRT3

- Sampung tao ang nasaktan, anim ang dinala sa ospital, matapos mag-malfunction ang isang escalator sa MRT-3 Taft Avenue station

- Biglang huminto at bumaliktad ang escalator, dahilan upang magsiksikan at magbagsakan ang mga pasahero

- Nangako ang MRT-3 management na sasagutin ang gastusin sa pagpapagamot ng mga biktima at magsasagawa ng mas madalas na maintenance

- Magpapa-inspeksyon si DOTr Secretary Vince Dizon sa lahat ng MRT-3 stations upang maiwasan ang pag-ulit ng insidente

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi bababa sa sampung tao ang nasaktan, anim sa kanila ang dinala sa ospital, matapos mag-malfunction ang isang escalator sa Taft Avenue station ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) nitong Sabado.

10 katao, sugatan matapos mag-malfunction ang escalator sa Taft Avenue station ng MRT3
10 katao, sugatan matapos mag-malfunction ang escalator sa Taft Avenue station ng MRT3 (📷@abscbnnews/IG)
Source: Instagram

Ayon sa CCTV footage, biglang huminto ang paakyat na escalator bago ito lumiko pabalik nang mas mabilis kaysa sa normal, dahilan upang matumba ang mga pasahero na tila isang hanay ng domino. Isa sa mga apektadong pasahero ay inilarawan ang pangyayari na mistulang eksena mula sa pelikulang Final Destination.

Read also

Rita Avila, rumesbak sa basher na tinawag siyang "matanda"

"Bumulusok kami pababa. Napahawak ako sa railing, sabi ko, 'oh my God, oh my God!' Nabitawan ko rin po kasi nagtutulakan na, parang stampede yung nangyari, nagbagsakan," pahayag ni Aya Coner, isa sa mga biktima.

Matapos ang insidente, sinabi ni Coner na patuloy pa rin siyang nakararanas ng pananakit sa binti at ibabang bahagi ng kanyang likod, na nagpapahirap sa kanya sa paglalakad. Dagdag pa niya, labis siyang na-trauma sa nangyari.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Nakaka-trauma yung nangyari kasi yung isa ang lakas ng iyak niya, tapos yung isa naman nakita ko tumulo na yung dugo sa daan sa may escalator," dagdag ni Coner.

Isa sa mga lubhang nasaktan ay si Faith Acosta, isang 17-anyos na estudyante, na matinding umiyak matapos magtamo ng sugat at pasa sa kanyang mga hita.

"Habang pabagsak yung escalator, nakadapa ako… Nasa isip ko po noon parang, my gosh paano ako babangon nito? Hindi ako makatayo. Hala, mamamatay nako, parang ganun po yung nasa isip ko… Hindi po nila ako mapakalma since ako lang mag-isa noon," paglalahad ni Acosta.

Read also

Vico Sotto, pumalag sa aniy'ay troll account na nagpakalat ng maling impormasyon

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, napag-alamang ang pangunahing drive chain ng escalator ang nasira, na naging sanhi ng insidente. Nangako rin silang sasagutin ang gastusin sa pagpapagamot ng mga nasugatan.

"Tayo po ay humihingi ng paumanhin sa ating mga pasahero at in coordination na po sa mga naapektuhan noong insidente," pahayag ni MRT-3 General Manager Oscar Bongon.

Sinabi rin ng MRT-3 na inatasan na nila ang kanilang service provider na magsagawa ng mas madalas at masusing maintenance upang maiwasan ang ganitong uri ng insidente sa hinaharap. Naiayos ang nasirang escalator nitong Martes bandang alas-5:30 ng hapon.

Samantala, personal ding humingi ng paumanhin si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa lahat ng apektado ng insidente.

"Talagang humihingi ako ng paumanhin sa ating mga kababayan. Hindi dapat nangyayari yung mga ganito e," ani Dizon sa isang panayam sa ABS-CBN News.

Para sa mga nangangailangan ng karagdagang tulong, maaari silang tumawag sa MRT-3 hotline: 09957363129.

Read also

Labi ng 17-anyos na apat na taon nang nawawala, nahukay sa loob ng septic tank

Ipinahayag din ni Dizon ang plano niyang magsagawa ng personal na inspeksyon sa lahat ng istasyon ng MRT-3 upang matukoy ang iba pang problemang kailangang tugunan.

"Magco-conduct ako ng audit inspection ng lahat ng istasyon. Iikutin ko mismo lahat ito at titignan ko, number 1, kung may mga problema ba. Number 2, kung ano pa yung kailangan nating iimprove para sa mga pasahero natin… Dapat hindi na maulit 'to," aniya.

Dagdag pa niya, lalo lamang pinagtibay ng insidenteng ito ang pangangailangan ng gobyerno na isapribado ang mga imprastruktura ng pampublikong transportasyon, tulad ng MRT-3, upang mapabuti ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga commuter.

"Kasi pag gobyerno, ang hirap talaga kasi maraming limitasyon at hindi kumpleto ang skills, capacity, capability ng mga tao sa dahil unang-una, ang baba ng sweldo. Hindi tayo makakapaghire ng mga engineer na alam natin siyempre in demand yan sa private sector," paliwanag ni Dizon.

Naniniwala rin si Dizon na maisasakatuparan ang pribatisasyon ng MRT-3 at iba pang rail systems tulad ng LRT-2 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Read also

Lalaki, patay matapos gilitan ng lalaking matagal na niyang inaasar sa Cebu

Samantala, sa isang cellphone video, maririnig ang isang ina na desperadong sumisigaw ng tulong. Kalaunan, napag-alamang naipit ang paa ng kanyang 2-taong-gulang na anak sa isang escalator. Naganap ang aksidente sa loob ng isang mall sa Lipa City, Batangas.

Isang 4-na-taong-gulang na batang babae naman na nagngangalang Aliyah ang nasugatan habang kasama ang kanyang mga magulang sa isang mall sa Pasay. Nangyari ang insidente noong Enero 25, 2025, nang mahigop ng escalator ang kaliwang paa ng bata, na nagdulot ng pinsala sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: