Lalaki, patay matapos gilitan ng lalaking matagal na niyang inaasar sa Cebu
- Natagpuan sa tabing-ilog ang bangkay ng isang lalaki matapos siyang saksakin at gilitan ng isang 40-anyos na lalaki sa Catmon, Cebu
- Hindi na nakapagtimpi ang suspek nang tawagin siyang "boang" ng biktima habang siya ay pauwi mula sa isang inuman
- Sinubukan ng biktima na tumakas sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog ngunit hinabol siya ng suspek at tuluyang ginilitan
- Mahigit isang taon nang inaasar at binu-bully umano ng biktima ang suspek kaya hindi raw niya pinagsisisihan ang kanyang ginawa
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang lalaki ang natagpuang patay sa tabing-ilog matapos saksakin at gilitan ng isang 40-anyos na lalaki sa Barangay Catmondaan, Catmon, Cebu. Ayon sa ulat ng Brigada News FM Cebu noong Martes, Marso 4, 2025, matagal na umanong may alitan ang dalawa, na nauwi sa madugong insidente.

Source: Facebook
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkita ang biktima at ang suspek sa isang kalsada kung saan tinawag umano ng biktima ang suspek na “boang” habang pauwi ito mula sa inuman. Dahil sa matagal nang pang-aasar sa kanya, hindi na umano nakapagtimpi ang suspek at bigla niyang tinaga ang biktima sa balikat gamit ang isang matalim na sandata.
Sinubukan pang tumakas ng biktima sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog, ngunit hinabol siya ng suspek at tuluyang ginilitan. Ilang sandali pa, natagpuan na lamang ang bangkay nito sa tabing-ilog.
Sa panig ng suspek, sinabi niyang mahigit isang taon na umano siyang binu-bully ng biktima. Aniya, madalas siyang puntahan nito sa bahay tuwing nalalasing upang asarin. Dahil dito, hindi raw niya pinagsisisihan ang ginawa sa biktima.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hawak na ngayon ng mga awtoridad ang suspek at posible itong maharap sa kasong h0micide. Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang alamin ang iba pang detalye ng insidente.
Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.
Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.
Viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper. 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral. Marami umano ang nai-inspire kapag nalalaman ang kwento ng kanyang buhay .Isang lalaki ang natagpuang patay sa tabing-ilog matapos saksakin at gilitan ng isang 40-anyos na lalaki sa Barangay Catmondaan, Catmon, Cebu. Ayon sa ulat ng Brigada News FM Cebu noong Martes, Marso 4, 2025, matagal na umanong may alitan ang dalawa, na nauwi sa madugong insidente.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh