Vice Ganda, isa sa top taxpayers ng QC; nagbigay ng makabuluhang mensahe
- Kinilala bilang isa sa mga top taxpayers ng Quezon City si Vice Ganda
- Nagbigay siya ng makabuluhang mensahe sa publiko kaugnay nito
- Matatandaang kamakailan lamang ay hindi napigilan ni Vice Ganda na mag-react sa kanilang contestant na hindi umano "knowledgeable" sa COMELEC
- Sinundan naman ito ng kanyang pagbibigay diin sa gawain ng 'legislative branch" ng pamahalaan sa isang segment ng It's Showtime
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa ginanap na Bureau of Internal Revenue’s (BIR) Tax Campaign Kick-Off a Quezon City noong Marso 4, isa si Vice Ganda sa mga kinilalang top taxpayer ng Quezon City.

Source: Facebook
Sa mensaheng ibinigay ni Vice, pinaalala niya ang obligasyon ng bawat isa na magbayad ng karampatang buwis gayundin kung saan ito napupunta.
"Maraming salamat sa pagkilala sa akin bilang top taxpayer ng BIR Quezon City for 2024. Obligasyon nating magbayad ng buwis, at obligasyon din nating itanong kung saan napupunta ito" pagbibigay diin niya.
Matatandaang kamakailan lamang, hindi napigilan ni Vice na ipaalala sa publiko ang gawain ng legislative branch ng pamahalaan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, narito ang ilang mga larawan ni Vice mula sa nasabing pagtiitpon na ibinahagi rin ng Inquirer.net:
Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 8.17 million subscribers. Bukod sa kanyang YouTube, nagiging aktibo rin siya sa kanyang TikTok account na @unkabogableviceganda.
Kamakailan, si Vice Ganda ay naging abala sa iba't ibang proyekto at personal na kaganapan. Matatandaang nito lamang Enero, nagbakasyon sila ng kanyang partner na si Ion Perez sa Dubai, kung saan naibahagi nila ang kanilang sweet photos.
Bago matapos ang nakaraang taon, naging abala si Vice Ganda pinagbigadahang pelikula, ang "And the Breadwinner Is" na naging bahagi ng Metro Manila Film Festival. Ang pelikulang ito na idinirek ni Jun Robles Lana ay kinabilangan ng iba pang mga kilalang artista tulad nina Jhong Hilario, Eugene Domingo maging ang tambalang Anthony Jennings at Maris Racal. Matatandaang minsang humingi ng paumanhin si Maris kay Vice gayung hindi siya nakasama sa promote ng pelikula. Ito ay dahil umano sa kinasangkutang isyu nila ni Anthony.
Todo todo ang suportang natanggap ni Vice sa para sa nasabing pelikula. Katunayan, pumalo sa nasa Php460 million ang worldwide gross ng kanyang MMFF movie na ito. Bukod dito, nakatanggap din ang kanyang pelikula ng Special Jury Citation at Gender Sensitivity award mula sa 50th MMFF ng 2024. Marami ang tila naka-relate sa kanyang pelikula na sinasabing nagpaiyak ngunit nagpatawa rin sa mga nakapanood nito. Ito ang comeback movie ni Vice sa Metro Manila Film Festival kung saan ilang taon din siyang napahinga.
Kamakailan lang, isang insidente sa "It's Showtime" ang naging usap-usapan nang mag-viral ang isang interbyu ng isang kalahok sa isang segment nila ng kanilang programa. Naging daan pa ito para imbitahan ng Commission on Elections (Comelec) angnasabing kalahok na ito para mag-tour sa kanilang opisina upang magbigay kaalaman sa kanilang ahensya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh