Jellie Aw, sinagot ang anya'y pang-iintriga ng mga sawsawera
- Sinagot ni Jellie Aw ang mga pang-iintriga tungkol sa kanyang ilong at itinanggi ang alegasyong may kemikal ito
- Nagpahayag si Jam Ignacio ng pagnanais na makipag-ayos kay Jellie Aw ngunit hindi ito nagustuhan ng kapatid niyang si Jo Aw
- Naglabas si Jellie ng mga larawan kung saan makikita ang kanyang duguan at may pasang mukha at itinuro si Ignacio bilang responsable
- Nagtungo si Jellie sa ospital para ipagamot ang kanyang tinamong pinsala at nakatakdang magsampa ng pormal na reklamo laban kay Ignacio
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Patuloy na pinag-uusapan sa social media ang kontrobersiya sa pagitan ng online personality na si Jellie Aw at dating karelasyon niyang si Jam Ignacio. Kamakailan lamang, naglabas ng pahayag si Jellie Aw sa Facebook, kung saan sinagot niya ang mga pang-iintriga patungkol sa kanyang pisikal na anyo at sa mga isyung kinasasangkutan niya.

Source: Instagram
Sa kanyang post, matapang niyang binanggit ang mga sawsawera na pumupuna sa kanyang ilong at sinabing natural ito at walang halong anumang kemikal. "Mga Kanguso, sabi ng mga sawsawera buti daw di lumabas silicon sa ilong ko kahit suntukan pa tayo pero sa ilong lang dapat tatamaan. Sorry, natural po yan, walang halong chemical," saad ni Jellie sa kanyang viral post.
Matatandaang naging mainit ang usapin tungkol sa relasyon nina Jellie at Jam Ignacio matapos ang naging pahayag ni Ignacio sa isang panayam sa GMA News. Dito, humingi siya ng tawad kay Jellie at sa publiko, at inilahad ang kanyang hangarin na ayusin ang kanilang relasyon sa pribadong paraan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ngunit hindi natuwa ang kapatid ni Jellie na si Jo Aw sa naging pahayag ni Jam. Sa isang matapang na social media post, nagbigay siya ng babala kay Jellie tungkol sa posibilidad ng pagbabalikan nila ni Jam.
"Magiging kwento ka na lang talaga pag binalikan mo pa 'to Jellie Aw," ani Jo Aw.
Sa kabila nito, isang maikli ngunit makahulugang sagot lamang ang ibinigay ni Jellie: "Ok Master Jo Aw."
Matatandaang naglabas si Jellie ng mga larawan kung saan makikita ang kanyang duguang mukha at mga pasa. Sa kanyang post, direkta niyang itinuro si Jam Ignacio bilang responsable sa umano’y pananakit sa kanya. Pinagtibay ito ng kanyang kapatid na si Jo Aw, na nangakong ipaglalaban ang hustisya para kay Jellie.

Read also
Coco Martin, pinahanap umano si Katherine Luna upang tulungan; planong isama sa ‘Batang Quiapo’
Dahil sa insidente, nagtungo si Jellie sa ospital upang ipagamot ang tinamong pinsala. Ayon sa mga ulat, nakatakda rin siyang magsampa ng pormal na reklamo laban kay Ignacio. Sa kanyang pinakabagong pahayag, nagpasalamat siya sa mga sumusuporta sa kanya at sinabing sa ngayon, kailangan niya munang magpahinga.
"Lubos po akong nagpapasalamat sa mga nag-message sa akin na nagpaparating ng kanilang suporta at panalangin. Sa ngayon po ay kailangan ko muna magpahinga. Maraming salamat pong muli," ani Jellie.
Si DJ Jellie Aw ay isang Pilipinang disc jockey, mananayaw, mang-aawit, at vlogger na kilala sa kanyang masiglang presensya sa industriya ng entertainment. Nakamit niya ang malaking kasikatan sa mga social media platform, partikular sa TikTok, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga performance at lifestyle content. Sa TikTok, mayroon siyang mahigit 238,900 followers at 704,100 likes.
May matapang na pahayag si Ogie Diaz matapos akusahan ng pananakit sa kanyang fiancée na si Jellie Aw si Jam Ignacio.

Read also
Derek Ramsay, ibinida ang pagbisita ng matalik na kaibigan nila ni Ellen Adarna na si Pernilla Sjöö
Naglabas ng pahayag si Jellie Aw matapos ang insidente ng umano’y pananakit sa kanya ng fiancé na si Jam Ignacio at sinabi niyang kailangan niya munang magpahinga. Ibinahagi niya sa social media ang mga larawan ng kanyang duguan at may pasang mukha at direkta niyang itinuro si Jam bilang responsable sa pangyayari.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh