LTO enforcers sa viral video sa Bohol, sisibakin ayon sa Department of Transportation
- Sinibak ni DOTr Secretary Vince Dizon ang limang tauhan ng LTO na sangkot sa panliligalig sa isang magsasaka sa Panglao, Bohol
- Natukoy sa imbestigasyon ni Assistant Secretary Jojo Reyes ang paggamit ng labis na puwersa ng mga enforcer laban sa biktima
- Sa isang viral na video, makikitang pinigilan ng mga tauhan ng LTO si Erifredo Velasco dahil sa dala niyang kutsilyo na ginagamit niya sa pagsasaka
- Nanatili sa ospital si Velasco habang ipinag-utos ni Dizon ang muling pagsusuri sa mga patakaran ng LTO upang maiwasan ang ganitong insidente
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang agarang pagsibak sa limang kawani ng Land Transportation Office (LTO) na sangkot sa marahas na pagtrato sa isang magsasaka sa Panglao, Bohol.

Source: Facebook
Sa isang press conference, sinabi ni Dizon na ang desisyon ay batay sa imbestigasyong isinagawa ng kanilang ahensya.
“Based on the information gathered by Assistant Secretary (for Road Transport) Jojo Reyes, we are now making that very clear announcement. They will be dismissed. This is without prejudice to future cases that may be filed depending on the outcome of further investigation,” pahayag ng kalihim.
Kinondena rin ni Dizon ang paggamit ng labis na puwersa ng mga tauhan ng LTO laban sa biktima.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa isang viral na video, makikitang inaresto ng limang tauhan ng LTO ang 57-anyos na magsasakang si Erifredo Velasco matapos umanong maaktuhang may dalang kutsilyo.
Iginiit ni Velasco na ginagamit niya ang kutsilyo sa pagsasaka, ngunit sa halip na pakinggan, tuluyan siyang dinuro at ipinihit pababa sa kanyang motorsiklo. Ayon pa sa ulat, pinagbantaan umano siya gamit ang sariling kutsilyo.
“Kahit na po kung lumabas sa ating investigation na talaga ay siya ay nakasakay sa isang kolorum na motorsiklo, kahit na po lahat ‘yan, wala pong mag-jujustify sa nakita nating dahas na ipinakita ng ating law enforcers. Kaya po ‘yan ang basehan ng aming desisyon,” paliwanag ni Dizon.
Idiniin din ng DOTr chief na hindi katanggap-tanggap ang ganitong pag-uugali mula sa mga kawani ng gobyerno.
“Hindi po natin pwedeng payagan na ang ganitong klaseng behavior ay manggagaling sa mga kawani ng ating pamahalaan… We are the people’s servants, not their lords,” dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan, nananatili sa ospital si Velasco dahil sa tinamong pinsala.
Ipinag-utos na rin ni Dizon ang isang malawakang pagsusuri sa kasalukuyang mga patakaran ng LTO upang maiwasan ang pag-ulit ng ganitong insidente sa hinaharap.
Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.
Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.
Viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper. 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral. Marami umano ang nai-inspire kapag nalalaman ang kwento ng kanyang buhay .
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh