Babaeng tumalon sa dagat dahil hindi naibili ng milk tea ng kanyang jowa, nasagip

Babaeng tumalon sa dagat dahil hindi naibili ng milk tea ng kanyang jowa, nasagip

- Mabilis na nag-viral ang kinahinatnan ng isang babaeng tumalon sa dagat

- Mabilis na nag-viral ang kinahinatnan ng isang babaeng tumalon sa dagat

- Mabilis na nag-viral ang kinahinatnan ng isang babaeng tumalon sa dagat

- Mabilis na nag-viral ang kinahinatnan ng isang babaeng tumalon sa dagat

- Mabilis na nag-viral ang kinahinatnan ng isang babaeng tumalon sa dagat

- Mabilis na nag-viral ang kinahinatnan ng isang babaeng tumalon sa dagat - Mabilis na nag-viral ang kinahinatnan ng isang babaeng tumalon sa dagat

- Lalo na nang malaman ang dahilan nito na may kaugnayan sa kanyang nobyo

- Sinasabing nakainom ang babae na kinailangan pang magsuot ng life jacket at nahihirapan itong umakyat o umahon

- Isa lamang ito sa mga nag-viral ngayong linggo na talaga namang pumukaw sa atensyon ng marami

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Mala teleserye ang naganap kamakailan sa isang baybayin sa Zamboanga del Norte nang tumalon ang isang babae sa dagat matapos hindi mabili ng kanyang nobyo ang hinihinging milk tea.

Read also

14-anyos na dalagita, natagpuang patay; stepfather itinuturong suspek

Ayon sa mga saksi at maging sa uploader ng video na mabilis mag-viral online, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang magkasintahan, dahilan para ang babae, na umano'y nakainom, ay mawalan ng pasensya at magtangkang tumalon sa dagat bilang protesta sa hindi pagbili sa kanya ng nasabing inumin.

Pilit na pinaaahon ng nobyo ang babae na nooy nahihirapang umahon dala ng mga malalaking alon.

Dahil dito, kinailangan na nila ang tulong ng mga local rescuers sa lugar. Doon, nilagyan na rin ng life jacket ang babae upang masiguro na bagama't hirap itong umakyat o umahon, hindi naman ito lulubog sakaling hindi nito kayanin ang pag-ahon.

Samantala, hindi napigilan ng mga netizens na mapa-react sa kakaibang eksena na ito ng magkasintahan.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ganito kaya ang gawin ko pag hindi ako binili ng iced coffee ng asawa ko"
"Hindi ko alam kung ano mapi-feel ko. Kung kanino ba dapat maawa"

Read also

Sam Milby, naiyak sa FTWBA nang pag-usapan ang hiwalayan nila ni Catriona Gray

"Kasi naman dapat binili na lang siya ng jowa niya ng milk tea"
"Buti nalang hindi siya napano, to think na lasing pa siya ha."

Kamakailan lamang ay nag-viral ang viral din ang isang video kung saan makikita ang ang mga LTO enforcers na animo'y kinuyog ang isang lalake na sinasabing may dala umanong patalim. Ang lalake na sakay ng kanyang motorsiklo ay pilit na nagpapaliwanag na "farmer" siya o magsasaka kaya naman may dala siya umanong kutsilyo.

Subalit inalmahan ng marami ang naging reaksyon ng nasa 4 hanggang 6 na enforcers na ang isa ay inambahan pa ng saksak ang lalake. Samantala, wala pa halos isang araw ang lumipas, agad na napatawan ng suspensyon ang mga LTO enforcers na nasa viral video.

Samantala, tulad ng insidenteng ito, nag-viral din ang video ng umano'y paninita ng isang security guard ng kilalang mall sa Kamaynilaan sa isang sampaguita vendor. Sa video na ibinahagi rin ng Mega Kapamilya, makikita ang sekyu na 'di umano'y pinaaalis ang batang naka-uniporme pa at may hawak ng sinasabing nilalako nitong sampaguita.

Read also

Neneng B, may paglilinaw sa catchphrase na “Ma, ano ulam?” at “Huwag puro cellphone”

Tila nanlaban ang estudyante at pinaghahampas din ng makailang beses ang sekyu ng kanya umanong tinitinda.Gayunpaman, makikita rin sa video na tila umamba ng sipa ang sekyu at sinira pa nito ang mga sampaguita. Ito umano ang inalmahan ng publiko.

Kalaunan, napag-alaman na 22-anyos na college student na ang sampaguita vendor at gumagamit laman ng unipormeng pang-high school upang mas mabili umanong makabenta.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica