40 na bahay, natupok ng apoy sa Cebu dahil sa naiwang nakasinding kandila

40 na bahay, natupok ng apoy sa Cebu dahil sa naiwang nakasinding kandila

- Natupok ang tinatayang 40 bahay sa Sitio San Vicente Ferrer, Barangay Lahug, Cebu City dahil sa napabayaang kandila

- Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago ito tuluyang naapula ng mga bumbero at may 10 bahay rin ang bahagyang nasunog

- Aabot sa ₱1.2 milyon ang kabuuang pinsala ng sunog na nakaapekto sa 70 pamilya o katumbas ng 280 indibidwal

- Iniwan umano ng isang lalaki ang nakasinding kandila sa kanilang bahay upang maglaro ng onlinecasino games sa kapitbahay

Tinatayang nasa 40 bahay ang naabo habang 10 naman ang bahagyang nasira matapos sumiklab ang isang malaking sunog sa Sitio San Vicente Ferrer, Barangay Lahug, Cebu City noong Huwebes, Pebrero 27, 2025, bandang 6:57 p.m.

50 na bahay, natupok ng apoy sa Cebu dahil sa naiwang nakasinding kandila
50 na bahay, natupok ng apoy sa Cebu dahil sa naiwang nakasinding kandila (📷The Freeman/Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa Cebu City Fire Department, natanggap nila ang alarma ng sunog sa ganap na 6:57 p.m. Itinaas ito sa ikalawang alarma pagsapit ng 7:11 p.m., nakontrol ang apoy bandang 8:25 p.m., at tuluyang naapula sa ganap na 9:41 p.m.

Read also

Mga natalong team ng It's Showtime hosts, kinaaliwan matapos tumakas sa "funishment"

Dahil sa tindi ng sunog, kinailangan ng tulong mula sa mga pamatay-sunog ng karatig-lungsod tulad ng Mandaue, Lapu-Lapu, at Talisay upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng apoy.

Natukoy na nagsimula ang sunog sa bahay ni Edwin Escandallo at mabilis na kumalat sa mga katabing tahanan na gawa sa magagaan na materyales.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tinatayang nasa P1.2 milyon ang halaga ng pinsala dulot ng sunog, na nakaapekto sa 70 pamilya. Kasalukuyang pansamantalang nanunuluyan ang mga pamilyang apektado sa barangay gym.

Ayon kay Senior Fire Officer 3 Wendel Villanueva, tagapagsalita ng Cebu City Fire Station, nag-ugat ang sunog sa isang napabayaang kandila sa tahanan ng pamilyang Escandallo. Dagdag pa niya, hindi ito ang unang beses na nasunog ang naturang bahay.

"Malungkot man sabihin pero hindi ito ang unang beses na nangyari. Dati nang nasunog ang bahay nila ngunit naisalba ng mga kapitbahay. Kandila rin ang naging sanhi," pahayag ni Villanueva.

Dahil sa pagkawala ng kanilang kuryente, napilitan ang pamilya Escandallo na gumamit ng kandila bilang ilaw sa gabi, na siyang pinagmulan ng trahedya.

Read also

14-anyos na dalagita, natagpuang patay; stepfather itinuturong suspek

Nahirapan din ang mga bumbero sa pagresponde sa sunog dahil sa makitid na daanan sa lugar, kaya kinailangang magdugtong-dugtong ng maraming hose upang maabot ang apoy.

Isa sa mga biktima ng sunog, si Shine Aubrey Rensulat, 20, ay naisalba lamang ang kanilang dalawang alagang aso, isang laptop, at ilang piraso ng damit bago tuluyang lamunin ng apoy ang kanilang bahay.

"Mas inuna talaga namin ang aming mga alagang aso dahil bahagi sila ng aming pamilya. Sa sandaling iyon, wala na kaming ibang naisip kundi iligtas ang buhay, at kasama sila doon," ani Rensulat.

Samantala, ayon sa Cebu City Government’s Department of Social Services, nasa 200 indibidwal ang apektado ng sunog at agad na binigyan ng tulong pagsapit ng 11 p.m. noong Huwebes, Pebrero 27.

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.

Read also

Sam Milby, naiyak sa FTWBA nang pag-usapan ang hiwalayan nila ni Catriona Gray

Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.

Viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper. 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral. Marami umano ang nai-inspire kapag nalalaman ang kwento ng kanyang buhay .

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: