Kinidnap na 14-anyos na Chinese, pinakanta pa ng kidnappers matapos putulin ang hinliliit
- Isiniwalat ni DILG Secretary Jonvic Remulla na pinilit umawit ang 14-anyos na Chinese student matapos putulin ng mga kidnaper ang kanyang maliit na daliri
- Sinabi ni Remulla na ipinakita ng mga suspek ang video ng pagputol sa daliri ng bata at kinabukasan ay nagpadala ng isa pang video kung saan ito ay kinakantang pilit
- Kinondena ni Remulla ang sindikato at tinawag silang mga “psychopath” na handang gawin ang lahat para makalamang sa kanilang biktima
- Kinumpirma rin ng kalihim na kasabwat ng mga kidnaper ang family driver ng bata na natagpuang patay sa loob ng isang sasakyan sa San Rafael, Bulacan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isiniwalat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na pinilit umawit ang 14-anyos na Chinese student matapos putulin ng mga kidnaper ang kanyang hinliliit.

Source: Facebook
Sa panayam ng ANC, ibinahagi ni Remulla ang mga detalye ng karumaldumal na pagdukot sa banyagang estudyante ng isang sindikatong pinamumunuan ng mga Chinese bago ito nasagip noong Pebrero 25.
"I remember Saturday night was when they showed the video of the last joint of the pinky finger being cut off. Sunday night, we had a proof of life video where the boy was asked to sing the favorite song of the younger sister," pagbabalik-tanaw ng kalihim.
Aniya, bagamat nasa maayos na kalagayan ang bata sa nasabing video, nananatili pa rin ang pangamba ng mga awtoridad sa kalupitang dinanas nito. "He sang it. He seemed to be in good health, so we were confident," dagdag niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Mariin namang kinondena ni Remulla ang brutal na ginawa ng mga suspek. "They have crossed the line of being human already. They've lost all conscience, they are psychopaths. They will do anything to gain an advantage," giit niya.
Bago nito, kinumpirma rin ni Remulla na kasabwat ng mga kidnaper ang driver ng estudyante na natagpuang patay sa loob ng isang sasakyan sa San Rafael, Bulacan. "According to the contents of the cellphone of the driver, he was in cahoots with the perpetrators of the crime. He was part of the syndicate," aniya.
Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang mga natitirang suspek, kabilang ang lider ng sindikato, na sinasabing nananatili pa rin sa bansa.
Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.
Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.
Viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper. 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral. Marami umano ang nai-inspire kapag nalalaman ang kwento ng kanyang buhay .
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh