Estudyante mula sa isang exclusive school sa Manila, na-rescue mula sa mga kidnappers
- Naligtas mula sa pag-kidnap ang isang estudyante na kinilalang mula sa isang exclusive school sa Metro Manila
- Kinumpirma ito ni Interior Sec. Jonvic Remulla at sinabing walang ransom na ibinigay kapalit ng estudyante
- Sinasabing ang cellphone signal ng mga dumukot sa biktima ay hindi pa rin nalalayo sa lugar nang ito ay iwan
- Dagdag pa ni Remulla, kilala nila ang dumukot sa estudyante ang hahanapin nila ito sa lalong madaling panahon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nasagip ng mga awtoridad mula sa mga kidnappers nito ang estudyanteng lalaki ng isang exclusive na paaralan sa Metro Manila.

Source: UGC
Sa ulat ng News5, inanunsyo ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang kaligtasan ng biktima. Wala umanong ibinayad na ransom sa mga kidnappers nito para siya'y makalaya.
Ayon kay Remulla, iniwan ang bata ng mga salarin sa isang hot pursuit operation sa Lungsod ng Parañaque.
Natunton din nila ang cellphone signal ng mga sinasabing dumakip sa biktima, ilang daang metro lamang ang layo mula sa lugar kung saan nakita ang bata na nakasuot pa ng pajamas, at iniwan nal amang sa gilid ng kalsada.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"The boy was recovered but the signal of the phone disappeared," dagdag pa ni Remulla.
Ayon sa kalihim, nasugatan ang estudyante sa isang bahagi ng kanyang kanang hinliliit, kaya't agad itong dinala sa ospital upang masuri at malapatan ng karampatang lunas. Kasalukuyang pinapa-ospital ang biktima upang tiyakin ang kanyang kaligtasan at kalusugan.
Nilinaw naman ni Remulla na may impormasyon na ang mga awtoridad tungkol sa mga suspek at sa operasyon ng mga ito. "We know who they are. We know where they are operating from. We will find them. Justice will be served," aniya.
Kamakailan lang, napabalita ang pagdadahilan ng dalawang estudyante na sila umano'y nakidnap kahit ang totoo't nag-cutting classes lamang sila. Dala umano ng takot sa kanilang mga magulang, naisip nilang gawing dahilan ang 'kidnapping' upang hindi sila kagalitan.
Napag-alamang nagawa pa umanong sugatan ng mga ito ang kanilang sarili upang mapapaniwalang dinukot sila at isinakay sa puting van. Ayon sa awtoridad, wala umanong katotohanan ang pangunguha na pawang gawa-gawa lamang ng mga estudyante. Nakatakda naman silang suriin at subaybayan ng mga social workers sa kanilang lugar.
Samantala, Dalawang junior high school students ang nasugatan matapos pagsasaksakin at bugbugin ng kanilang mga kapwa estudyante sa isang insidente na naganap sa labas ng isang paaralan sa Pasig City. Ayon sa ulat ng GMA News, naganap ang insidente bandang 2:15 ng hapon ng Pebrero 20.
Ang mga suspek na sangkot sa insidente ay pitong na pawang mga menor de edad pa lamang at kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad. Inaalam pa ang buong detalye ng insidente at ang mga posibleng motibo ng mga suspek.
Sa kasalukuyan, ang mga lokal na awtoridad ay nakikipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development Office, pati na rin kay Mayor Vico Sotto, upang tiyakin ang tamang aksyon at suporta para sa mga biktima at ang mga apektadong pamilya. Kasama rin sa koordinasyon ang pamunuan ng paaralan na nagsasagawa ng kanilang imbestigasyon ukol sa insidente.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh