Jeraldine Blackman, umalma sa espikulasyong 'for content' lang ang paghihiwalay nila ng asawa
- Pinabulaanan ni Jeraldine Blackman ang mga haka-haka na scripted lamang ang hiwalayan nila ni Josh at sinabing totoo ang lahat ng kanilang pinagsamahan
- Inilahad niya sa isang Instagram reel na sila ay nagpasya nang maghiwalay ngunit nananatiling magkaibigan at magkasamang nagko-co-parent sa kanilang mga anak
- Maraming netizens ang nabigla sa balita at umaasang isa lamang itong prank matapos mapanood ang emosyonal na video ni Jeraldine
- Isa ang "The Blackman Family" sa mga pinakasikat na influencer couples na may milyun-milyong followers sa TikTok at Instagram
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Tuluyan nang binasag ng social media personality na si Jeraldine Blackman ang katahimikan kaugnay ng kanyang paghihiwalay kay Josh, kasabay ng paglilinaw na hindi ito isang ‘staged breakup’ para lamang sa content.

Source: Instagram
Matapos kumalat ang espekulasyon sa online community, naglaan ng sandali si Jeraldine upang ipaliwanag sa kanyang mga tagasubaybay na ang lahat ng pinagsamahan nila ni Josh ay totoo—pati na rin ang kanilang desisyong maghiwalay. Sa kabila nito, nananatili umano silang mabuting magkaibigan at magkasamang tinutukan ang responsableng pagpapalaki sa kanilang mga anak.
“Don’t believe anything you hear from any other source,” ani Jeraldine. “We would never disrespect our fans like this. We only want to be open and honest about our relationship because we felt our fans deserved to know.”
Noong Pebrero 21, ginulat ni Jeraldine ang kanilang followers matapos niyang ipost sa Instagram ang isang reel kung saan emosyonal niyang kinumpirma ang kanilang paghihiwalay.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"I'm so sorry if you're seeing me like this today. I have been trying to find the right time when I'm gonna get the courage for me to post this one online," aniya, habang tila pinipigil ang luha.
Sa parehong video, inilarawan niya si Josh bilang isang mabuting tao at pinakamahusay na ama sa kanilang mga anak na sina Jette at Nimo.
Dahil sa biglaang balita, maraming netizens ang nabigla at nalungkot. Ilan sa kanila ay umaasang isa lamang itong prank. “Jeraldine, I was waiting for the prank bit in the video, please tell me there’s a part two,” komento ng isang netizen.

Read also
Mommy Min Bernardo, may paalala sa fans ni Kathryn: “Huwag kayo masyado naniniwala sa fake news”
Sa kasalukuyan, pumalo na sa mahigit 1 milyong views ang naturang video sa Instagram.
Sa mundo ng social media, maraming couples ang hinahangaan dahil sa kanilang tila perpektong relasyon na ipinapakita sa kanilang vlogs, posts, at livestreams. Ang kanilang sweet moments, travel adventures, at parenting journeys ay nagiging inspirasyon sa milyon-milyong followers. Subalit, sa kabila ng masayang imahe online, may mga relasyon ding hindi nagtatagal, na nauuwi sa isang emosyonal na breakup announcement.
Kapag isang influencer couple ang naghiwalay, karaniwang may mga senyales bago pa man nila ito opisyal na ipahayag. Nawawala ang mga couple posts, nagiging tahimik ang kanilang interactions sa isa’t isa, at minsan ay napapansin ng fans ang pagbabago sa kanilang mood sa mga videos. Kapag lumakas na ang espekulasyon, napipilitan ang influencers na magsalita upang malinawan ang kanilang audience.
Si Jeraldine at Josh, na mas kilala bilang "The Blackman Family," ay kabilang sa mga pinakasikat na influencer couples sa social media. Sa TikTok, may 3.6 milyong followers sila, habang sa Instagram ay mayroon silang 3.2 milyon.
Kabilang sa mga pinag-usapang breakup ng social media personalities ay kina Zeinab Harake at Skusta Clee na talaga namang mainit na pinag-usapan. Maging ang hiwalayang Jai Asuncion at Agassi Ching ay lumikha din ng ingay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh