Service crew na 3 araw na nawala, chop-chop at naaagnas na ang katawan nang datnan sa Caloocan
- Natagpuang patay at putol ang mga binti ng isang service crew sa loob ng isang bahay sa Bagong Silang, Caloocan City
- Nakita ang kanyang binti sa isang ice cooler habang nakabalot sa kutson ang kanyang katawan na nasa estado na ng pagkaagnas
- Isa sa mga persons of interest sa kaso ay ang tattoo artist na nakatira sa bahay kung saan natagpuan ang biktima
- Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at tinutugis ang mga suspek na posibleng humarap sa kasong murder
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Natagpuang patay at putol ang mga binti ng isang service crew sa loob ng isang bahay sa Bagong Silang, Caloocan City, matapos siyang maulat na nawawala sa loob ng tatlong araw.

Source: Facebook
Ayon sa ulat, natagpuan ang mga binti ng biktima sa isang ice cooler, habang ang kanyang katawan ay nakabalot sa isang kutson at nasa estado na ng pagkaagnas.
Kinilala ang biktima bilang si Michael Dolina, 37-anyos, na kilala rin sa pangalang Shalani. Isa sa mga person of interest sa kaso ay ang tattoo artist na nakatira sa bahay kung saan siya natagpuan.
Ayon kay Mark Dolina, kapatid ng biktima, naniniwala siyang hindi lang isang tao ang sangkot sa brutal na pagpatay sa kanyang kapatid.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Kahit gaano kakalakas, hindi mo kaya gawin mag-isa ‘yung gano’ng bagay. Sigurado ako may kasama ‘yung gumawa noon. May saksak siya sa likod, may laslas sa leeg, at nakahubad na siya ng damit," ani Mark.
Samantala, sinabi ng ina ng tattoo artist na hindi rin niya alam ang kinaroroonan ng kanyang anak, ngunit nanawagan siya na sumuko na ito.
"Lumantad siya, sumuko siya. Kung makulong man siya, hahatiran ko na lang siya ng pagkain," pahayag ng ina.
Sa ngayon, tatlo ang itinuturing na persons of interest sa kaso, kabilang ang tattoo artist at ang kanyang tiyuhin na isang construction worker. Ayon kay Police Captain Nelson Dizon ng North Caloocan Police, posibleng nag-iinuman ang mga ito nang mangyari ang krimen.
"Tuloy-tuloy ang manhunt operations natin laban sa kanila. Murder ang posibleng kaharapin nilang kaso," ani Dizon.
Patuloy ang imbestigasyon sa krimen habang nananawagan ang pamilya ng biktima ng hustisya.
Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.
Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.
Viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper. 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral. Marami umano ang nai-inspire kapag nalalaman ang kwento ng kanyang buhay .
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh