Lalaking inakusahan ng pambubully, patay matapos saksakin ng ice pick sa Taytay, Rizal
-Isang 30-anyos na lalaki ang namatay matapos saksakin ng kanyang 23-anyos na kapitbahay gamit ang ice pick sa Taytay, Rizal
-Nag-ugat ang insidente sa matagal nang alitan ng dalawa, kung saan inakusahan ang biktima ng pambubully sa suspek
-Matapos ang pananaksak, isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival, habang tumakas naman ang suspek ngunit nahuli rin ng mga awtoridad
-Iginiit ng suspek na pagtatanggol sa sarili ang ginawa niya dahil sa matagal na umano niyang hinanakit, ngunit patuloy na humihingi ng hustisya ang pamilya ng biktima
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Patay ang isang 30-anyos na lalaki matapos saksakin ng kanyang 23-anyos na kapitbahay gamit ang ice pick sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal noong Martes ng hapon, Pebrero 11, 2025.
![Lalaking inakusahan ng pambubully, patay matapos saksakin ng ice pick sa Taytay, Rizal Lalaking inakusahan ng pambubully, patay matapos saksakin ng ice pick sa Taytay, Rizal](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/da4dde60c06a06c2.jpeg?v=1)
Source: Facebook
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, matagal nang may alitan ang biktima at ang suspek na parehong nakatira sa iisang compound. Sinubukan umanong ayusin ng suspek ang kanilang hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng pag-anyaya sa biktima sa kanyang bahay. Gayunpaman, nauwi ang kanilang pag-uusap sa matinding pagtatalo hanggang sa biglang inundayan ng saksak ng suspek ang biktima gamit ang ice pick.
Ayon sa mga saksi, matagal nang may tensyon sa pagitan ng dalawa, at inakusahan ang biktima ng pambubully sa suspek. Matapos ang insidente, agad na isinugod ng mga kaanak ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, tumakas ang suspek matapos ang krimen ngunit naaresto rin sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad. Narekober sa kanya ang ginamit na ice pick at isa pang patalim.
Depensa ng suspek, nagawa niya ang pananaksak bilang pagtatanggol sa sarili dahil sa matagal na umanong pang-aapi ng biktima. “Naipon na po kasi lahat ng galit ko sa kanya, kaya po ‘yun lang po ‘yung naging pagkakataon ko po para mailabas po lahat. Kaya humihingi ako ng pasensya sa pamilya,” paliwanag ng suspek.
Samantala, labis na nagdadalamhati ang kinakasama ng biktima na si Agnes Siar at humihingi ng hustisya para sa kanyang nasawing kasintahan. Ayon sa kanya, hindi sapat na dahilan ang umano’y pambubully upang kitlin ang buhay ng isang tao. Umaasa siyang magkakaroon ng linaw at hustisya ang sinapit ng kanyang kasintahan.
Sa kasalukuyan, mabilis na kumakalat ang mga balita sa social media, na nagiging dahilan ng mabilis na pagpapalaganap ng impormasyon—maging ito man ay positibo o negatibo. Ang mga viral na balita ay kadalasang nagiging paksa ng usap-usapan, lalo na kapag may kasamang matinding emosyon o kontrobersiya.
Sa ibang balita, isang gṳro sa Presentacion, Camarines Sur ang pumanaw matapos matuklaw ng isang cobra sa kanilang bakuran. Ayon sa ulat ng DZRH Naga, ang gṳro, na nagtuturo sa elementarya, ay nakarinig ng ingay mula sa kanyang dalawang alagang aso kaya’t minabuti niyang dalhan ng pagkain ang mga ito.
Natagpuang patay at hubo’t hubad ang isang 60-taong-gulang na lola sa loob ng musoleo sa Sorsogon Catholic Cemetery. Hinihinalang ginahasa ang biktima at pinaslang gamit ang bato na nakita sa crime scene. Isa sa mga suspek ang nahuli at inaming nagkaroon ng pangho-hold up matapos ang inuman.Sinabi ng suspek na hindi niya akalaing papatayin at gagahasain ng kanyang kasamahan ang matanda.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh