Jellie Aw, naglabas ng pahayag matapos ang dinanas: "Kailangan ko muna magpahinga"

Jellie Aw, naglabas ng pahayag matapos ang dinanas: "Kailangan ko muna magpahinga"

- Naglabas ng pahayag si Jellie Aw matapos ang insidente ng umano’y pananakit sa kanya ng fiancé na si Jam Ignacio at sinabi niyang kailangan niya munang magpahinga

- Ibinahagi niya sa social media ang mga larawan ng kanyang duguan at may pasang mukha at direkta niyang itinuro si Jam bilang responsable sa pangyayari

- Nagpahayag ng suporta ang kanyang kapatid na si Jo Aw at tiniyak nilang ipaglalaban ang hustisya para kay Jellie

- Nakatakdang maghain si Jellie ng pormal na reklamo laban kay Jam habang patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang kanyang susunod na hakbang

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Gumimbal ang social media sa rebelasyon ng DJ at content creator na si Jellie Aw matapos niyang ibahagi ang mga larawan ng kanyang duguan at may pasang mukha. Sa kanyang mga post sa Instagram at Facebook, direkta niyang itinuro ang kanyang fiancé na si Jam Ignacio bilang may kagagawan ng umano’y pananakit sa kanya.

Read also

Philmar Alipayo, nagbahagi ng video niyang sumasayaw; hindi pa sumasagot sa pahayg ni Derek Ramsay

Jellie Aw, naglabas ng pahayag matapos ang dinanas: "Kailangan ko muna magpahinga"
Jellie Aw, naglabas ng pahayag matapos ang dinanas: "Kailangan ko muna magpahinga" (@realjellieaw/Instagram)
Source: Instagram

Bago ang insidente, nagbahagi pa si Jellie ng IG story kung saan makikitang nagpapalinis siya ng kuko habang si Jam ay tila naghihintay lamang sa tabi niya. Subalit ilang sandali lang matapos ito, nagbago ang tono ng kanyang mga post. Sa Facebook, ibinahagi niya ang kanyang larawan na duguan ang mukha at nilagyan ito ng caption na, "Magkita tayo sa kulungan," kung saan tinag pa niya si Jam Ignacio.

Mariin ding kinumpirma ng kapatid ni Jellie na si Jo Aw ang nangyari at iginiit nilang ipaglalaban nila ang hustisya para kay Jellie. Matapos ang insidente, nagtungo ang DJ sa ospital upang ipagamot ang tinamong pinsala at nakatakda ring maghain ng pormal na reklamo laban kay Jam.

Sa kanyang pinakabagong pahayag, pinasalamatan ni Jellie ang mga nagpapadala ng suporta at panalangin sa kanya. "Lubos po akong nagpapasalamat sa mga nag-message sa akin na nagpaparating ng kanilang suporta at panalangin. Sa ngayon po ay kailangan ko muna magpahinga. Maraming salamat pong muli."

Read also

Jellie Aw, may post sa Instagram stories kasama si Jam Ignacio bago ang insidente

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Jellie Aw, naglabas ng pahayag matapos ang dinanas: "Kailangan ko muna magpahinga"
Jellie Aw, naglabas ng pahayag matapos ang dinanas: "Kailangan ko muna magpahinga" (PHOTO: @realjellieaw/Instagram)
Source: Instagram

Patuloy na inaabangan ng publiko ang susunod na hakbang ni Jellie Aw, lalo na sa aspetong legal, at kung paano ito makakaapekto sa kanyang dating fiancé na si Jam Ignacio. Samantala, wala pa ring nilalabas na pahayag si Jam kaugnay sa akusasyon laban sa kanya.

Ayon sa batas ng Pilipinas, ang pananakit sa kababaihan ay may mabigat na kaparusahan sa ilalim ng Revised Penal Code. Maaaring maharap sa kasong serious physical injuries, attempted h0micide, o kahit h0micide ang sinumang lalaking mananakit sa isang babae, lalo na kung ito ay magdudulot ng matinding pinsala o kamatayan.

Patuloy na inaabangan ng publiko ang magiging hakbang ni Jellie Aw at kung anong legal na aksyon ang kanyang isasampa laban kay Jam Ignacio.

Si DJ Jellie Aw ay isang Pilipinang disc jockey, mananayaw, mang-aawit, at vlogger na kilala sa kanyang masiglang presensya sa industriya ng entertainment. Nakamit niya ang malaking kasikatan sa mga social media platform, partikular sa TikTok, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga performance at lifestyle content. Sa TikTok, mayroon siyang mahigit 238,900 followers at 704,100 likes.

Read also

Sen. Raffy Tulfo, napatayo matapos magwala ng Chinese national na nirereklamo ng asawa

May matapang na pahayag si Ogie Diaz matapos akusahan ng pananakit sa kanyang fiancée na si Jellie Aw si Jam Ignacio.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate