OPM Singer na si Dionela, may reaksiyon sa pagkakadawit ng kanta siya isang viral post

OPM Singer na si Dionela, may reaksiyon sa pagkakadawit ng kanta siya isang viral post

  • Nagbigay ng reaksyon ang OPM singer na si Dionela matapos siyang maiugnay sa isang viral na Facebook post tungkol sa pagtataksil ng isang teacher sa kanyang kasintahan
  • Ibinahagi ni Abigail Sobreo ang kanyang karanasan sa social media kung paano natapos ang kanilang pitong taong relasyon dahil sa pagtataksil ng kasintahan sa kapwa nito teacher
  • Naging usap-usapan ang pangalan ng bagong babae sa buhay ng teacher matapos lumabas sa screenshot ng post na tinatawag itong "Marilag," na siyang pamagat ng sikat na kanta ni Dionela
  • Nilinaw ni Dionela na walang kinalaman ang kanyang kanta sa kontrobersiya at inamin niyang ramdam pa rin niya ang epekto ng nangyari

Nagbigay ng reaksyon ang OPM singer na si Dionela sa mga taong tila nakikisimpatiya sa kanya matapos mag-viral ang Facebook post ng isang babae tungkol sa umano'y pagtataksil ng kanyang kasintahan, isang teacher, sa kapwa nito teacher.

OPM Singer na si Dionela, may reaksiyon sa pagkakadawit ng kanta siya isang viral post
OPM Singer na si Dionela, may reaksiyon sa pagkakadawit ng kanta siya isang viral post (PHOTO: Dionela/Facebook)
Source: Facebook

"7 years over 2 weeks (so to speak). Hindi ko inasahan na mauuwi tayo sa ganitong sitwasyon. Dumating sa punto na ang kinakatakutan kong mangyari, na inakala kong hindi mo magagawa sa akin, ay ginawa mo rin," saad sa kanyang caption.

Read also

Mga Abo ni Barbie Hsu, naiuwi na ng kanyang pamilya sa Taiwan

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Lalo pang nakatawag ng pansin sa netizens ang pangalan ng babaeng bagong karelasyon ng kanyang dating kasintahan matapos lumabas sa screenshot ng kanyang post na tinatawag itong "Marilag"—ang parehong titulo ng hit song ni Dionela.

Dahil dito, maraming netizens ang tila naiuugnay ang kanta sa naturang isyu, dahilan upang magbigay ng paglilinaw ang singer sa pamamagitan ng isang Facebook post noong Pebrero 4.

"la q kinalaman sa pinag gagagawa nyo oi," saad ni Dionela, na mistulang sinasabing walang kinalaman ang kanyang kanta sa kontrobersiya.

Biro pa ng singer, "Nadamay pa for todeis bijo.'

Patuloy namang pinag-uusapan ng netizens ang insidente, habang ang viral post ay umani ng iba't ibang reaksyon mula sa publiko.

Si Dionela ay isang mang-aawit at manunulat ng kanta mula sa Pilipinas na kilala sa kanyang mga awiting R&B at pop. Nagsimula siyang makilala sa industriya ng musika noong 2022 sa ilalim ng UMG Philippines, kung saan inilabas niya ang kanyang mga unang single na "153" at "Musika".

Read also

Cristine Reyes, nag-react matapos mag-viral ang kanyang post tungkol kay Barbie Hsu

Noong Hunyo 7, 2024, inilabas niya ang kantang "Sining" kasama ang R&B artist na si Jay R, na naging tanyag at umabot sa unang puwesto sa Billboard Philippines Hot 100. Sumunod dito ang kanyang single na "Marilag" noong 2024, na nagpatibay sa kanyang reputasyon bilang isang nangungunang OPM artist.

Matatandaang ipinamalas ni Chloe San Jose ang kanyang talento sa pagkanta sa isang TikTok video. Ibinahagi ng kasintahan ni Carlos Yulo ang kanyang mini cover ng kantang Sining ni Dionela. Sa naturang video, makikita rin ang two-time Olympic gold medalist na nakahiga sa hita ni Chloe habang siya ay kumakanta. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 1.4 milyong views ang nasabing video.

Naging usap-usapan din sa social media si Sarina Hilario matapos mag-viral ang kanyang video habang masayang nakiki-sing along sa isang live band. Ang kantang kanyang inawit ay Sining, na orihinal na isinulat at pinasikat ng artist na si Dionela.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate