Rosemarie Tan Pamulaklakin, aatras sa pagtakbo bilang konsehal ng Maynila
- Inihayag ni Rosemarie Tan Pamulaklakin ang kanyang desisyon na umatras sa kanyang kandidatura bilang konsehal ng unang distrito ng Maynila
- Maghahain siya ng kanyang certificate of withdrawal ngayong araw sa tanggapan ng Comelec sa Palacio del Gobernador, Intramuros, Maynila
- Naghain siya ng kanyang certificate of candidacy noong Oktubre 1, 2024 ngunit hindi na niya itutuloy ang laban para sa posisyon
- Patuloy na hinihintay ng publiko ang kanyang opisyal na pahayag ukol sa kanyang naging desisyon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Umatras na sa kanyang kandidatura bilang konsehal ng unang distrito ng Maynila ang content creator at negosyante na si Rosemarie Tan Pamulaklakin.
Kinumpirma ni Pamulaklakin sa INQUIRER.net na maghahain siya ng kanyang certificate of withdrawal ngayong araw sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Palacio del Gobernador, Intramuros, Maynila.
Matatandaang naghain siya ng kanyang certificate of candidacy noong Oktubre 1, 2024, ngunit nagpasya siyang hindi na ituloy ang kanyang pagtakbo. Isa lamang siya sa ilang mga online personalities na naghain ng kandidatura.
Patuloy na hinihintay ng publiko ang kanyang opisyal na pahayag ukol sa kanyang naging desisyon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.
Kamakailan ay nilinaw ni Rosmar ang isyu tungkol sa umano'y hindi nila pagbayad sa kinain nila sa Coron. Ipinahayag niya na ang pagkain nila ay bahagi ng XDEAL kung saan kapalit ng libreng pagkain ay pagpopromote nila sa social media. Maraming restaurant daw ang nag-aagawan na ilibre sila ng pagkain dahil sa kanilang kasikatan at malaking following. Hinikayat ni Rosmar ang publiko na huwag maniwala sa fake news na ipinapakalat ng bashers.
Sinadya nina Rosmar at Team Malakas ang tinitirahan ng isang ina na may 15 na mga anak. Makikita sa video na halos hindi na sila magkasya sa tahanan ng mga ito sa Tondo. Bukod sa tulong pinansyal, isang surpresa rin ang binigay ni Rosmar sa ina lalo na sa mga anak nito. Matatandaang sa kabila umano ng kontrobersiyang kinaharap, tila patuloy pa rin umano sa pagtulong ang grupo ni Rosmar.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh