Lalaking umano'y nabalian dahil sa chiropractic session, pumanaw na

Lalaking umano'y nabalian dahil sa chiropractic session, pumanaw na

  • Pumanaw na si Leobert Mangubat Yurong, ang lalaking nagviral kamakailan dahil nabalian ng buto dahil sa umano'y maling serbisyong ibinigay ng nagpakilalang chiropractic provider
  • Nagkaroon ng malubhang bali sa paa si Yurong noong nakaraang taon na nagdulot ng komplikasyon sa kanyang kalusugan
  • Hindi na raw nagpakita ang nasabing chiropractic provider, na sinasabing mula sa Zamboanga Peninsula, matapos mangako ng tulong sa gastusin sa ospital
  • Hiling ng pamilya na maigyan ng hustisya ang nangyari sa kanilang kaanak at para hindi na ito maulit sa ibang tao

Nananawagan ng hustisya ang pamilya ni Leobert Mangubat Yurong, isang residente ng Zayas, Brgy. Carmen, matapos itong pumanaw dahil sa umano’y maling serbisyong ibinigay ng isang nagpakilalang home-service chiropractic provider sa lungsod.

Lalaking umano'y nabalian dahil sa chiropractic session, pumanaw na
Lalaking umano'y nabalian dahil sa chiropractic session, pumanaw na (PHOTOS: Leobert Mangubat Yurong/Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo CDO, nagkaroon ng malubhang bali sa paa si Yurong noong nakaraang taon matapos ang nasabing chiropractic session. Sa halip na gumaling, lumala pa ang kondisyon ng kanyang paa, na kalauna’y nagdulot ng komplikasyon at kanyang pagkamatay.

Read also

Darryl Yap, binahaging tapos na nilang gawin ang TROPP

Nag-viral ang video na ini-upload ni Yurong sa social media, kung saan humihingi siya ng tulong sa nasabing chiropractor upang matustusan ang kanyang gastusin sa ospital. Gayunpaman, hindi na raw nagpakita ang nasabing chiropractor, na umano’y mula pa sa Zamboanga Peninsula, at natigil sa pangakong tulong.

Ayon sa ospital na sumuri kay Yurong, nagkaroon ng malalang fracture ang kanyang paa, na dapat sanang lagyan ng stainless steel plates upang maayos ang pinsala. Subalit, hindi ito agad naipagawa dahil sa kakulangan ng pondo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil sa trahedyang ito, mariing panawagan ng pamilya ni Yurong ang agarang hustisya at paghahanap sa naturang chiropractor. Hiling nila na mabigyang-liwanag ang kaso upang hindi na maulit sa iba ang ganitong insidente.

Sa paglipas ng panahon, lumalago ang popularidad ng chiropractic therapy bilang alternatibong paraan upang maibsan ang pananakit ng katawan, tulad ng sa likod, leeg, at kasukasuan.

Maraming tao ang umaasa sa ganitong uri ng serbisyong medikal dahil sa mabilis nitong epekto at karaniwang hindi nangangailangan ng gamot o operasyon. Subalit, sa likod ng tagumpay ng ganitong pamamaraan ay ang panganib na dulot ng hindi lehitimong mga practitioner na walang sapat na kaalaman o lisensiya upang magsagawa ng ganitong serbisyo. Kaya naman, mahalagang tiyakin na lisensiyado at lehitimo ang chiropractic provider bago magpatuloy sa anumang paggamot.

Read also

Ama, sugatan matapos saksakin ng sariling anak sa Antipolo

Matatandaang nauna nang naiulat ng KAMI ang tungkol sa kasong ito ni Yurong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate