Isa pang video kung saan makikitang nangbabato ang mga batang nagtitinda ng Sampaguita, viral
- Usap-usapan ngayon ang isang video kung saan makikitang nakikipagtalo ng mga batang nagtitinda ng Sampaguita sa mga security guards sa isang mall
- Isa sa kanila ang pumasok pa sa loob at nagwala hanggang sa natumba ang barrier sa entrance ng mall
- Nangbato pa ang mga ito at tinamaan sa ulo ang isa sa mga guards pero hindi na ito gumanti
- Matatandaang kamakailan ay natanggal sa trabaho ang isang guard na nagpaalis sa isang Sampaguita vendor sa harap ng isang mall
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Usap-usapan ngayon sa social media ang isang video kung saan makikitang nakikipagtalo ang mga batang nagbebenta ng Sampaguita sa mga security guard sa harap ng isang kilalang mall. Ayon sa mga nakasaksi, nagsimula ang insidente nang pagbawalan ng mga guard ang mga bata na magtinda sa lugar.

Source: Facebook
Sa naturang video, makikita ang isa sa mga bata na pumasok sa loob ng mall at nagwala. Sa tindi ng komosyon, natumba ang barrier sa entrance ng mall. Hindi pa natapos dito ang kaguluhan dahil makikitang nangbato ang mga bata, at tinamaan pa sa ulo ang isa sa mga security guard. Sa kabila ng pananakit, nanatiling kalmado ang guard at hindi na gumanti.
Marami ang nagpahayag ng iba’t ibang reaksyon sa insidente. May ilan na nanghinayang sa ganitong sitwasyon at nanawagan ng tulong para sa mga batang lansangan. Samantala, may mga netizen din na nagbigay ng suporta sa mga security guard at nanawagan ng mas mahigpit na seguridad sa lugar.
Here is the video from Evan Demata reposted by Chester Aruta:
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matatandaang kamakailan lang ay nag-viral din ang isang insidente kung saan natanggal sa trabaho ang isang security guard matapos niyang paalisin ang isang tindero ng Sampaguita sa harap ng isang mall. Ang bagong viral na video na ito ay muling nagpaigting ng diskusyon tungkol sa kung paano dapat tugunan ang mga ganitong insidente na kinasasangkutan ng mga batang lansangan.
Hinihikayat naman ng lokal na pamahalaan ang publiko na makipag-ugnayan sa mga awtoridad kung sakaling may makitang mga kagaya nitong sitwasyon upang maiwasan ang karahasan at masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Matatandaang agad na naglabas ng opisyal na pahayag ang SM Megamall matapos na umani ng kabi-kabilang reaksyon ang viral video kung saan makikita ang umano'y pagpapalayas ng isang security guard sa batang babae na 'di umano'y naglalako ng Sampaguita.
Nagbigay ng opinyon si Xian Gaza sa isang viral video sa Facebook kung saan makikita ang isang batang nakasuot pa ng uniporme habang nagtitinda ng Sampaguita na pinaalis ng isang security guard sa isang SM establishment.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh