Filipina domestic worker, iniimbestigahan sa pagkamatay ng batang Kuwaiti
- Nagpahayag ng pakikidalamhati ang Embahada ng Pilipinas sa Kuwait kaugnay ng pagkamatay ng isang batang Kuwaiti sa tahanan ng kanyang amo
- Ayon sa ulat, inamin umano ng Filipina domestic worker na inilagay niya ang bata sa washing machine dahil sa "frustration"
- Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ng Kuwait ang insidente at hawak na nila ang domestic worker
- Sinisiguro ng embahada ang pakikipagtulungan sa mga awtoridad at pagbibigay ng legal na suporta sa Filipina ayon sa batas ng Kuwait
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagpahayag ng pakikidalamhati ang Embahada ng Pilipinas sa Kuwait kaugnay ng insidente kung saan sangkot ang isang Filipina domestic worker sa pagkamatay ng isang batang Kuwaiti sa tahanan ng kanyang amo.
Ayon sa ulat ng Gulf News, inamin umano ng Filipina ang krimen at sinabing inilagay niya ang bata sa loob ng washing machine, dahilan ng pagkamatay nito. Dagdag pa ng ulat, ginawa niya umano ang krimen dahil sa "frustration."
Agad na dinala sa ospital ang bata matapos marinig ng kanyang mga magulang ang kanyang pag-iyak, ngunit idineklara itong patay pagdating sa ospital.
Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ng embahada, "The Philippine Embassy in Kuwait is shocked and deeply saddened by the tragic incident of a Filipino domestic worker involved in the death of a Kuwaiti child in her employer’s household." Nagpaabot din sila ng pakikiramay sa pamilya ng biktima.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nakipag-ugnayan na ang embahada sa mga awtoridad ng Kuwait para sa masusing imbestigasyon sa kaso. Sinisiguro rin nila ang pagbibigay ng legal na suporta sa Filipina, alinsunod sa batas ng Kuwait.
Binigyang-diin ng embahada na ang insidente ay isang "isolated case" at hindi sumasalamin sa pagkatao ng mga Pilipino sa Kuwait, na kilala sa kanilang kasipagan at positibong kontribusyon sa lipunan.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad ng Kuwait habang hawak na nila ang domestic worker.
Ang mga Filipino Overseas Workers (OFWs) ay kilala bilang mga modernong bayani ng Pilipinas dahil sa kanilang mahalagang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapadala ng remittances. Ayon sa datos, milyon-milyong Pilipino ang nagtatrabaho sa iba't ibang bansa, kabilang ang Middle East, Estados Unidos, Europa, at Asya, upang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang mga pamilya.
Sa naunang ulat ng KAMI, naiyak na lamang ang OFW na si Myren Onato, 31 anyos matapos sirain ng kanyang mister ang passport, at boarding pass niya habang winasak din ang kaniyang cellphone.
Bumaha ng luha sa It's Showtime sa pagtatapos ng pagtatanghal ng grupo nina Vice Ganda, Karylle at Ryan Bang kung saan huli nilang naitampok ang mga anak ng OFW na hiling na makasama na muli ang kanilang ina.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh