Neri Naig, ipinag-utos ng Pasay City RTC na palayain na ngayong araw

Neri Naig, ipinag-utos ng Pasay City RTC na palayain na ngayong araw

- Ipinag-utos na ng Pasay Regional Trial Court ang paglaya ni Neri Naig Miranda

- Inaasahang makalaya na siya ngayong araw base na rin sa desisyon ng Pasay RTC

- Matatandaang galing sa medical furlough si Neri at kasalukuyan pa rin na nasa ospital

- Inaresto si Neri noong Nobyembre 23 sa umano'y reklamo sa kanya kaugnay ng kinasangkutan ng Dermacare

Ipinag-utos ng Pasay City Regional Trial Court na palayain na ang aktres at negosyanteng si Neri Naig Miranda.

Neri Naig, ipinag-utos na palayain na ngayong araw ng Pasay Regional Trial Court
Neri Naig, ipinag-utos na palayain na ngayong araw ng Pasay Regional Trial Court (Neri Naig Miranda)
Source: Facebook

Ayon sa ulat ni Jun Veneracion, inaasahan ang tuluyang paglaya ni Neri ngayong araw, Disyembre 4.

"The BJMP received the court order issued today by RTC (Regional Trial Court Branch) 112 ordering the release of Nerizza Miranda," ayon kay BJMP spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera sa mensahe nito sa GMA News Online

Matatandaang galing lamang sa limang araw na medical furlough si Neri kung saan dinala siya sa hindi pinangalanang pagamutan para sa medical evaluation.

Read also

Xian Gaza sa pasabog ni Jam Villanueva: "Kompirmd yung splook ko noon"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa ulat ni Gary De Leon ng News 5, sinabing nalipat pa sa Disyembre 11 ang arraignment at pre-trial ni Neri na dapat ay naisagawa noong Disyembre 3.

Sa ulat din ng GMA News, hindi na umano kinakailangang ibalik pa sa Pasay City jail si Neri gaya ng inaasahan matapos ang limang araw na pinahintulot sa kanya sa pagamutan.

Si Neri Naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2014 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Samantala sa pinakahuling post ni Neri, binati pa nito ang panganay na anak nila ni Chito na nagdiwang ng kaarawan nito isang araw bago ang petsa ng sinasabing pagkaaresto 'di umano sa kanya.

Read also

Angel Locsin, trending sa X kasunod ng paglabas ng ABS-CBN Christmas ID 2024

Matatandaang unang naiulat ni Ogie Diaz ang nakarating sa kanyang balita na inaresto umano si Neri na makalipas lamang ng ilang araw ay kinumpirma na rin ng pulisya. Naglabas na rin ng pahayag ang mister nitong si Chito Miranda ukol sa sitwasyon ng kanyang misis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: