Misis, hindi nakaligtas matapos lumubog ang sinasakyang balsa ng pamilya nila
- Nalunod ang fish vendor na si Mary Ann Daria sa Abra River sa kasagsagan ng Bagyong Marce sa Bantay, Ilocos Sur
- Nakaligtas ang kanyang mister na si Noli at anak na si Edward matapos lumubog ang kanilang balsang gawa sa kawayan
- Tumatawid ang pamilya sa ilog para hanapin ang kanilang mga alagang kambing nang tangayin ng malakas na agos ang balsa
- Nagawa ni Edward na sagipin ang kanyang ama pero tinangay ng agos ang kanyang ina na hindi na naisalba
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang fish vendor na kinilalang si Mary Ann Daria, 47-anyos, ang nasawi matapos malunod sa Abra River sa kasagsagan ng Bagyong Marce kamakalawa ayon sa balita ng Pilipino Star Nagyon. Samantalang masuwerte namang nakaligtas ang kanyang mister na si Noli at anak na si Edward matapos aksidenteng lumubog ang kanilang sinasakyang balsa nang tangayin ito ng malakas na agos sa Barangay San Mariano.
Ayon sa ulat ng Ilocos Sur Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), sakay ang pamilya sa isang balsang gawa sa kawayan at tumatawid sa ilog para hanapin ang kanilang mga alagang kambing sa kabilang pampang nang mangyari ang insidente. Dahil sa tindi ng agos, mabilis na lumubog ang balsa, ngunit nagawa ni Edward na isalba ang kanyang ama.
Sa kasamaang-palad, tinangay ng malakas na agos si Mary Ann na nagresulta sa kanyang pagkalunod. Patuloy namang nagpapaalala ang mga awtoridad sa mga residente na mag-ingat at umiwas sa pagtawid sa mga ilog, lalo na sa panahon ng masungit na panahon, upang maiwasan ang kaparehong trahedya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa ibang balita, binawian ng buhay ang isang siyam na buwang sanggol matapos itong malunod sa baha. Ayon sa pulisya, natagpuan na lamang umano ng mga magulang ng sanggol na lumulutang ang kanilang anak sa bahang bunsod ng bagyong Enteng. Sinubukan pa umano itong dalhin sa ospital subalit huli na rin ang lahat. Isa ang Naga City sa mga lugar na binaha sa pananalasa ni Enteng sa bansa.
Isang estudyante na umano'y lumiban sa klase noong Huwebes, Agosto 15, 2024, ang nalunod. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, ang 15-anyos na estudyante ay kasama ang anim niyang kaibigan. Sinasabing nagkasundo silang mag-cutting classes at mag-inuman malapit sa dalampasigan. Matapos nito, isang alon ang sinasabing humampas sa kanilang grupo at tinangay ang biktima sa dagat
Source: KAMI.com.gh