Chloe San Jose, sinagot ang netizen na nagsabing nagpa-retoke siya

Chloe San Jose, sinagot ang netizen na nagsabing nagpa-retoke siya

- Pinatulan ni Chloe San Jose ang isang netizen na tumawag sa kanya ng “retokada” matapos magkomento tungkol sa kanyang ilong

- Mariing itinanggi ni Chloe na sumailalim siya sa anumang surgery sa kanyang mukha o katawan

- Nagbahagi si Chloe ng mga litrato sa Facebook mula sa kanyang bakasyon sa Tokyo, Japan na umani ng maraming papuri

- Sa kabila ng bodyshaming mula sa ilang netizens, nananatiling positibo si Chloe sa suporta ng kanyang mga fans at kaibigan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Pinatulan ng kontrobersyal na content creator na si Chloe San Jose ang isang netizen na nagsabing nagparetoke daw si Chloe. Hindi pinalampas ni Chloe ang bodyshaming na natanggap niya sa social media.

Chloe San Jose, sinagot ang netizen na nagsabing nagpa-retoke siya
Chloe San Jose, sinagot ang netizen na nagsabing nagpa-retoke siya
Source: Facebook

Nag-post si Chloe ng mga litrato sa Facebook mula sa kanyang bakasyon sa Tokyo, Japan nitong nakaraang long weekend, na may simpleng caption na “As a 光 (hikari).” Marami ang pumuri sa kanyang itsura, kabilang na ang ilang celebrities na nagsabing napaka-ganda niya sa mga larawan.

Read also

Bianca Gonzalez, may inamin sa PBB Hosting: “I felt the most massive pressure this season”

Subalit, isang netizen ang nagbigay ng negatibong komento, sinasabing tama raw ang hinala niyang sumailalim si Chloe sa nose enhancement. "Sabi n eh..ngpagawa n s ilong hahaha. retake pa more hahaha," ang pang-ookray ng naturang netizen. Agad itong sinagot ni Chloe nang direkta, “Ano po yung retake?” sabay paglilinaw na hindi siya sumailalim sa anumang surgery.

Chloe San Jose, sinagot ang netizen na nagsabing nagpa-retoke siya
Chloe San Jose, sinagot ang netizen na nagsabing nagpa-retoke siya
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang tugon, mariing ipinahayag ni Chloe, "Fyi and I’ve said this so many times, I’ve never had any surgery done to my face/body,” pinuputol ang espekulasyon ng ilang netizens. Sa kabila ng mga bashers, nananatiling positibo si Chloe sa pagtanggap ng papuri mula sa mga tagahanga at kaibigan sa industriya.

Si Chloe San Jose ay isang content creator at kasintahan ng sikat na Filipino gymnast na si Carlos Yulo, isang 2-time Olympic gold medalist. Kilala siya sa kanyang presensya sa social media, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga travel experiences at personal na moments, kabilang ang kanyang support sa karera ni Carlos.

Read also

Anne Curtis, binahagi ang invitation ng aniya'y #BiggestWeddingOfTheYear

Sa pagdiriwang ng kanilang ika-52 na buwan bilang magkasintahan, ibinida ni Chloe San Jose ang natanggap niyang bulaklak at isang matamis na love letter mula sa kanyang nobyo na si Carlos Yulo.

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkakasabay ni Chloe San Jose at ng kanyang kasintahan na si Carlos Yulo sa Japan habang naroon din ang nakababatang kapatid ni Carlos na sina Eldrew at Yza.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate