Karen Davila sa kanyang 'White Lady' blooper sa TV Patrol: “Sorry guys'

Karen Davila sa kanyang 'White Lady' blooper sa TV Patrol: “Sorry guys'

- Napansin ng mga manonood si Karen Davila na naglalakad sa likod ni Noli de Castro habang nagbabasa ito ng opening spiel sa ‘TV Patrol’

- Agad na bumalik si Davila upang lumabas sa frame matapos mapansin ang kanyang sarili sa monitor

- Sa pagtatapos ng programa, nagbiro ang mga anchors tungkol sa hindi sinasadyang blooper at humingi ng paumanhin si Davila sa mga manonood

- Ang blooper ni Davila ay nag-viral sa social media at umani ng 2 milyong views sa X (dating Twitter)

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa episode ng ABS-CBN newscast na 'TV Patrol' noong Lunes, Oktubre 28, isang hindi inaasahang tagpo ang nagpasaya sa mga manonood nang biglang mapansin si Karen Davila sa background habang nagbabasa si Noli de Castro ng kanyang opening spiels.

Karen Davila sa kanyang 'White Lady' blooper sa TV Patrol: “Sorry guys'
Karen Davila sa kanyang 'White Lady' blooper sa TV Patrol: “Sorry guys'
Source: Instagram

Habang ipinapakilala ni de Castro ang mga tampok na balita ng gabi, nakitang naglalakad si Davila sa likod niya. Napansin ni Davila ang kanyang sarili sa monitor at mabilis na bumalik upang lumabas sa frame. Hindi napansin ni de Castro ang blooper at itinuloy ang pagbigkas ng kanyang intro nang walang pagkakaantala.

Read also

John Wayne Sace, may makahulugang post bago maaresto: "Ilang beses nyo na ko pinagplanuhan"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pagtatapos ng programa, nagkatuwaan ang apat na pangunahing anchors ng 'TV Patrol' tungkol sa nasabing insidente. Biro ni Noli, “Ano, dadaan ka ba?”, habang ginaya naman ni Bernadette Sembrano ang kanyang paglalakad. Nag-sorry si Karen sa mga manonood, “Sorry po ah, sorry kanina at naging white lady ako sa likod ni Kabayan [Noli].” Dagdag pa niya, hindi sinasadya ang blooper at pabirong inalala ang isang kaparehong insidente noong 2015 sa ‘TV Patrol Weekend’ kung saan si Sembrano naman ang may blooper.

Ang naturang blooper ay mabilis na nag-viral sa social media, na umani ng kabuuang 2 milyong views sa X (dating Twitter) sa mga nag-upload ng clip. Nagkomento rin si Karen sa isa sa mga posts sa Twitter at masayang tinanggap ang nakakatawang sandali.

Ang 'TV Patrol,' na itinuturing na pinakamahabang tumatakbong primetime newscast sa wikang Filipino, ay napapanood gabi-gabi kasama ang mga anchors na sina Noli de Castro, Karen Davila, Bernadette Sembrano, at Alvin Elchico sa ABS-CBN platforms, A2Z, at ALLTV.

Read also

Dating aktor na si John Wayne Sace, inaresto sa Pasig dahil sa pamamaril

Matatandaang matapos ang mahigit tatlong dekadang serbisyo sa ABS-CBN, nagpaalam na si veteran TV anchor Henry Omaga-Diaz sa kanyang mga kasamahan at tagasubaybay sa "TV Patrol" noong Biyernes. Sa huling episode ng newscast, inanunsyo ni Omaga-Diaz na siya ay magsisimula ng bagong kabanata ng kanyang buhay sa ibang bansa.

Si Andrea Brillantes ay naging 'Star Patroller', kung saan siya ang nag-ulat ng mga balitang showbiz sa TV Patrol. Ang video ng kanyang paglabas sa Kapamilya news program ay mabilis na nag-viral. Bukod pa rito, marami ang humanga sa paraan ng pagre-report ni Andrea ng mga balitang showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: