Pamilya ng 6 anyos na batang natagpuang patay sa Tacloban, nanawagan ng hustisya

Pamilya ng 6 anyos na batang natagpuang patay sa Tacloban, nanawagan ng hustisya

- Nanawagan ng hustisya ang pamilya ng anim na taong gulang na batang natagpuang patay sa isang excavation site sa Tacloban City

- Ayon sa autopsy report, posibleng binugbog muna ang biktima bago itinapon sa lugar

- Nauna nang inakalang nalunod ang bata na nakilala bilang alyas ‘Bembem’

- Patuloy na inaalam ng mga pulis kung sino ang huling nakasama ng biktima at ang nasa likod ng krimen

Nanawagan ng hustisya ang pamilya ng isang anim na taong gulang na batang natagpuang patay sa isang excavation site sa Rotonda ng Brgy. Cabalawan, Tacloban City. Ayon sa ulat ng Brigada News, una nang inakalang nalunod ang preschooler na si alyas ‘Bembem’, ngunit lumabas sa autopsy report na posibleng binugbog muna ang bata bago itinapon sa lugar.

Pamilya ng 6 anyos na batang natagpuang patay sa Tacloban, nanawagan ng hustisya
Pamilya ng 6 anyos na batang natagpuang patay sa Tacloban, nanawagan ng hustisya
Source: Facebook

Sa imbestigasyon, lumitaw na alas-3 ng hapon noong Oktubre 17 nawala ang biktima habang naglalaro kasama ang kanyang mga kaibigan. Kinagabihan, natagpuan na lamang ang kanyang bangkay sa excavation site na ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang tahanan.

Read also

Menor de edad, patay matapos niyang umawat lang sa gulo

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kasalukuyan, patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung sino ang huling nakasama ng biktima at kung sino ang nasa likod ng karumal-dumal na krimen na ito. Patuloy din ang pagtutok ng publiko sa kaso habang umaasa ang pamilya ni ‘Bembem’ na makakamit nila ang hustisya para sa kanilang mahal sa buhay.

Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio. Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot - Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.

Read also

3 menor-de-edad na estudyante, patay matapos tamaan ng kidlat sa Zamboanga del Sur

Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate