Mag-asawa at 3 anyos na anak, natabunan sa landslide sa Bukidnon

Mag-asawa at 3 anyos na anak, natabunan sa landslide sa Bukidnon

- Natabunan ng landslide ang mag-asawang sina Ryan at Elizabeth Cortez at ang kanilang tatlong taong gulang na anak sa Barangay Kahusayan, Kitaotao, Bukidnon

- Agad na sinimulan ang rescue operation noong Oktubre 15, 2024 ngunit pansamantalang sinuspinde dahil sa malakas na ulan

- Nagpatuloy ang search and retrieval operations nitong Oktubre 17 habang nangakong hindi titigil ang mga awtoridad hanggang mahanap ang mga biktima

- Nakaligtas ang 14-anyos na anak ng mag-asawa at isinugod sa ospital sa Quezon habang may mga nasugatan pang residente

Natabunan ng landslide sa Barangay Kahusayan, Kitaotao, Bukidnon ang mag-asawa at kanilang tatlong taong gulang na anak. Kinilala ang mga biktima bilang sina Ryan Cortez, 42; ang kanyang asawa na si Elizabeth, 33; at ang kanilang anak na babae.

Mag-asawa at 3 anyos na anak, natabunan sa landslide sa Bukidnon
Mag-asawa at 3 anyos na anak, natabunan sa landslide sa Bukidnon (Photo courtesy: Kitaotao MDRRMO via GMA Regional TV)
Source: Facebook

Sinimulan ang rescue operation agad-agad matapos ang insidente noong Oktubre 15, 2024, ngunit ito’y pansamantalang sinuspinde kinabukasan dahil sa malakas na ulan. Ngayong Oktubre 17, Huwebes, ipinagpatuloy ang search and retrieval operation, at tiniyak ng mga awtoridad na hindi sila titigil hanggang hindi natatagpuan ang mga biktima.

Read also

Babaeng naglaba sa ilog sa CDO, natagpuang hubad at walang buhay

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nakilala rin ang nakaligtas na 14-taong gulang na anak ng mag-asawa na agad dinala sa ospital sa bayan ng Quezon para magpagaling. May ilan pang residente na nasugatan dahil sa pagguho.

Pinapayuhan naman ang mga motorista na mag-ingat sa pagbiyahe papuntang Davao dahil ilang kalsada ay isang lane lamang ang nadaraanan bunsod ng landslide.

Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio.Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot - Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.

Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli..

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate