Pamilya ng Grade 10 student sa Pasig, nagsampa ng reklamo laban sa nang-bully sa kanya
- Nagsampa ng reklamo ang pamilya ng isang estudyante sa Pasig City laban sa kaklase ng anak na umano'y nambully matapos kumalat ang video ng insidente
- Inihayag ng pamilya na hindi sapat ang tatlong araw na community service bilang parusa sa sinasabing pambubully
- Makikita sa video na pinilit ang biktima na umamin habang siya ay nakaluhod, sinampal, at tinakot
- Kasama ng biktima ang iba pang estudyante na nanood lamang sa insidente, kaya't isinama rin sila sa reklamo ng pamilya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagpasaklolo sa mga pulis ang pamilya ng isang estudyante sa Pasig City matapos makitang magaan ang naging parusa sa kaklase nito na umano’y nang-bully sa kaniya sa isang insidente na nakuhanan ng video at kumalat na sa social media. Ayon sa ulat ng 24 Oras ni Mariz Umali nitong Martes, sinampahan din ng reklamo ang ilang iba pang estudyanteng nanood at di-umano’y naging kasabwat sa pambubully.
Ang naturang video ng insidente na naganap noong Biyernes ay nagpapakita ng Grade 10 na estudyanteng nakaluhod habang pinipilit umamin sa isang bagay, pinapalo, at tinatakot. Ayon sa video, may labing-isang batang lalaki ang nanood sa pangyayari.
Dahil sa viral video na ito, natuklasan ng ina ng biktima ang nangyaring pambubully sa anak. “Pagtingin ko sa video, nagulat ako, hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Sabi ko sa anak ko, ‘Anak, ano to?’ Tumingin lang siya sa akin tapos umiyak nang umiyak. Nakita ko doon ang isang batang gustong magsumbong pero hindi niya alam kung paano,” emosyonal na ibinahagi ng ina.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa mga opisyal ng barangay, ang umano’y bully ay isang 16-anyos na kaklase ng biktima at pinilit ang bata na umamin sa di-umano’y pagpapakalat ng isang usapan.
Nabanggit din ng biktima na ito na ang ikalawang pagkakataon na siya ay binully ng nasabing mga estudyante.
Sa kanilang pag-uusap kasama ang mga magulang ng mga nambully sa paaralan, nagreklamo ang pamilya ng biktima na hindi sapat ang ipinataw na parusang tatlong araw na community service sa mga may sala. Ayon sa ina ng biktima, labis ang trauma ng kaniyang anak kaya ayaw na nitong lumabas ng bahay at pumasok sa paaralan.
Nitong Martes, nagsampa ng reklamo ang pamilya ng biktima laban sa mga nambully para sa physical injuries at paglabag sa Anti-Bullying Act of 2013. Ayon kay Police Lieutenant Gina Bucalan, Public Information Officer ng Pasig Police, “Malakas na ebidensya po ‘yung nag-viral na video. Magagamit din po ang assessment ng level ng trauma ng biktima bilang ebidensya sa pag-file ng kaso.”
Samantala, tumangging magbigay ng pahayag ang umano’y bully at ang eskuwelahan ukol sa isyu. Inihayag naman ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na seryoso nilang tinutugunan ang kaso at kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan sa Pasig Schools Division Office upang masigurong mabibigyan ng hustisya ang biktima.
Matatandaang isang video ng pambu-bully sa daan ang nag-viral ngayon sa social media.Napasigaw ang dalaga na wala naman siyang ginawa sa babaeng nambu-bully. Sagot sa kanya, dahil gusto lang daw ni ateng.
Lalong umigting ang galit ng netizens sa bully sa video na nagpapakita ng pambubully sa isang Aeron. Imbes na manahimik o humingi ng paumanhin, nagpost pa ng kung anu-ano ang nasabing bully. Isa sa mga pinost niya nang nag-viral na ang video ng pambu-bully ay, "Dapat lang ginawa ko dun sa baboy na yun. Buti nga hindi ko ginulpi e." .
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh