Mister, hinampas dumbbell ng misis habang nagpapahinga; patay

Mister, hinampas dumbbell ng misis habang nagpapahinga; patay

- Isang 59-anyos na babae ang pumatay sa kanyang asawa gamit ang dumbbell sa Barangay Poblacion Ilaud, Zarraga, Iloilo

- Natagpuan ang katawan ng biktimang si Eduardo, 62, na duguan at nakahandusay sa sofa

- Tumawag si Mary sa pulisya at inamin ang krimen, sinabing hinampas niya ang ulo ng asawa matapos makarinig ng mga boses na umudyok daw sa kanya

- Nakadetine siya sa istasyon ng pulisya habang pinag-iisipan pa ng kanyang pamilya kung magsasampa ng kaso laban sa kanya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang 59-anyos na babae sa Barangay Poblacion Ilaud, Zarraga, Iloilo ang umano’y pumatay sa kanyang asawa gamit ang dumbbell noong Linggo, Oktubre 13. Natagpuan ng mga pulis ang katawan ng biktimang si Eduardo, 62, na isang dating engineer sa Saudi Arabia, na duguang nakahandusay sa sofa.

Mister, hinampas dumbbell ng misis habang nagpapahinga; patay
Mister, hinampas dumbbell ng misis habang nagpapahinga; patay (Zarraga News LIVE Station | Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Zarraga police chief Capt. Dandy Ilalto sa panayam ng RMN Iloilo, mismong ang suspek na si Mary ang tumawag sa istasyon ng pulisya bandang tanghali para humingi ng tulong at inaming pinatay niya ang asawa. Ikinuwento niya sa mga awtoridad na hinampas niya sa ulo ang kanyang asawa gamit ang 10-kilong dumbbell matapos niyang makarinig ng mga boses na nag-udyok sa kanya na gawin ito.

Read also

Ina, pinatay ng mismong ana niya na lulong sa droga

Ayon sa pamilya ng suspek, may matagal nang dinaranas na mental illness si Mary at nasa ilalim ng medikasyon. Sa ngayon, siya ay nakadetine sa Zarraga police station habang pinag-iisipan pa ng kanyang pamilya kung magsasampa sila ng kaso.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio.Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot - Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.

Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate