Ina, pinatay ng mismong ana niya na lulong sa droga

Ina, pinatay ng mismong ana niya na lulong sa droga

- Inaresto ang 49-anyos na si Emillano Lagutin Cinco matapos niyang patayin ang kanyang inang barangay councilor sa Kidapawan City

- Ayon sa mga kamag-anak, si Cinco ay lulong sa shabu at labis na umiinom ng alak

- Bago ang insidente, nagkaroon muna ng pagtatalo si Cinco at ang kanyang ina na nauwi sa pananakit at pananaksak

- Nahuli siya ng mga tanod at pulis matapos tumakas sa rubber plantation, kung saan siya ay nanlaban ngunit agad ding nasukol

Inaresto ang isang 49-taong-gulang na lalaki sa Kidapawan City, Cotabato, matapos niyang mapatay ang kanyang ina na si Mila Lagutin Cinco, isang barangay councilor sa Barangay Gayola, noong Linggo, Oktubre 13. Kinilala ang suspek na si Emillano Lagutin Cinco, na ayon sa mga lokal na lider at kamag-anak ay gumagamit ng shabu at mahilig sa alak, bagay na posibleng nag-udyok sa trahedya.

Read also

Mister, hinampas dumbbell ng misis habang nagpapahinga; patay

Ina, pinatay ng mismong ana niya na lulong sa droga
Ina, pinatay ng mismong ana niya na lulong sa droga
Source: Facebook

Ayon kay Brig. Gen. James Gulmatico ng Police Regional Office-12, nagkaroon muna ng matinding pagtatalo si Cinco at ang kanyang ina bago ito sinaktan gamit ang isang piraso ng kahoy at pinukpok sa ulo. Ayon sa mga saksi, matapos ang pangyayari ay sunod-sunod na sinaksak ni Cinco ang kanyang ina gamit ang isang mahabang kutsilyo habang ito ay nakahandusay sa kanilang bakuran.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa ulat ng pulisya, sinubukang tumakas ni Cinco patungo sa isang rubber plantation ngunit nahuli rin ng mga rumespondeng barangay tanod sa pangunguna ni Barangay Gayola Chairman Dominador Jabay at ng mga pulis mula sa Kidapawan City Police Office. Sinubukan pang manlaban ni Cinco, ngunit napigilan siya ng mga awtoridad. Kasalukuyan siyang ginagamot sa ospital dahil sa mga tinamong sugat at mahigpit na binabantayan ng pulisya.

Read also

Pia Wurtzbach: "Ultimately, staying true to yourself is what matters"

Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio.Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot - Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.

Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate