Buntis, pinagbabaril sa Cotabato; tinitingnang motibo, love triangle

Buntis, pinagbabaril sa Cotabato; tinitingnang motibo, love triangle

- Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang buntis na babae na si Jacquelyn Petiza sa Cotabato City kahapon ng umaga

- Naganap ang insidente bandang 11:00 AM sa San Isidro St., Rosary Heights 10, habang naglalakad ang biktima

- Sakay ng motorsiklo ang mga suspek, at binaril sa ulo ang biktima na agad niyang ikinasawi

- Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin

Isang trahedya ang naganap sa lungsod kahapon ng umaga matapos pagbabarilin ang isang buntis na babae sa gilid ng kalsada ng mga hindi pa kilalang salarin.

Buntis, pinagbabaril sa Cotabato; tinitingnang motibo, love triangle
Buntis, pinagbabaril sa Cotabato; tinitingnang motibo, love triangle
Source: Facebook

Kinilala ang biktima na si Jacquelyn Petiza, 30 anyos, buntis, at residente ng Macaguiling, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte. Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Station 2, naganap ang insidente bandang 11:00 AM sa tapat ng isang gate sa San Isidro St., Rosary Heights 10.

Read also

Anim na pulis, sinibak sa pwesto matapos masangkot sa pambubugbog ng estudyante

Sa imbestigasyon, natuklasang naglalakad ang biktima nang biglang sumulpot ang mga suspek sakay ng motorsiklo. Bumunot ng baril ang angkas ng motorsiklo at binaril si Petiza sa ulo, na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan. Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang krimen, dala ang ginamit na .9mm kalibre na baril.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek upang agad silang madakip at mapanagot sa batas.

Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio.Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot - Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.

Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate