Doc Willie Ong, binahagi ang resulta ng kanyang PET scan

Doc Willie Ong, binahagi ang resulta ng kanyang PET scan

- Ibinahagi ni Doc Willie Ong ang positibong resulta ng kanyang PET scan matapos ang anim na linggong gamutan

- Makikita sa litrato ang pagliit ng mga hot spots o aktibong cancer cells sa kanyang tiyan

- Nagpasalamat siya sa lahat ng nagdasal para sa kanyang mabilis na paggaling

- Nagbigay siya ng pangako na tutulong sa kanyang bayan sa pamamagitan ng faith-based campaign sa Senado kapag siya ay lumakas na

Ipinahayag ni Doc Willie Ong ang magandang balita ukol sa kanyang kalusugan matapos ipakita ang resulta ng kanyang PET scan. Sa kanyang social media, sinabi niya, "Yan pong 2 litrato ang ebidensya. Actual PET Scan ko. 100% honest ako sa inyo. Maraming maraming salamat sa lahat lahat na nagdasal para sa akin."

Doc Willie Ong, binahagi ang resulta ng kanyang PET scan
Doc Willie Ong, binahagi ang resulta ng kanyang PET scan
Source: Facebook

Binanggit niya ang mga pagbabago sa kanyang kalagayan sa loob ng anim na linggong gamutan, kung saan makikita ang pagliit ng mga hot spots o mga aktibong cancer cells sa kanyang tiyan. "Tingnan ang litrato ng aking PET Scan BAGO at TAPOS ng 6 linggo na gamutan. Ang laki ng NILIIT ng HOT SPOTS, yung makinang na Active Cancer cells dati, konti na lang natitira," aniya.

Read also

Sam Concepcion, nahingian ng reaction sa viral 'Daddy' memes

Ipinahayag din ni Doc Willie ang kanyang pasasalamat sa Diyos at sa kanyang mga tagasuporta, na aniya, "UTANG KO SA INYO ang BUHAY ko." Nagbigay siya ng pangako na kapag siya ay lumakas na, tutulong pa siya sa kanyang bayan sa pamamagitan ng isang faith-based campaign sa Senado.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Anong nangyari? Dasal, faith in God, faith in the mission to help the poor. Kung kaya ko, kaya nyo din labanan ang sakit. Magtutulungan tayo," dagdag pa niya.

Si Willie Tan Ong ay isang Filipino cardiologist, internist, at media personality na sumikat dahil sa pagbibigay ng mga payong medikal sa kanyang Facebook page at YouTube channel. Nakilala din siya sa programang Salamat Dok bilang isa sa mga resident medical expert at volunteer doctor mula 2008 hanggang 2018. Bukod pa rito, naging regular din siyang kolumnista sa The Philippine Star at Pilipino Star Ngayon kung saan nagsusulat siya tungkol sa kalusugan.

Read also

Carlos Yulo, may bagong chocolate drink commercial

Matatandaang naikwento ni Doc Willie Ong na minsan siyang sumailalim sa hosting workshop ni Boy Abunda. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang 'Kuya Boy' na siyang humasa ng kanyang kakayahan ngayon sa pag-host tulad ng kanyang YouTube channel.

Ipinaliwanag din ni Doc Willie ang tungkol sa sinasabing sanhi ng pagpanaw ni Jovit Baldivino, ang an*urysm. Bagama't bata pa si Jovit sa karaniwang edad na tinatamaan nito, may ibang maaring dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa pagkakaroon nito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate