Lalaki, pinatay ng limang kaibigan; bangkay ng biktima itinapon sa septic tank

Lalaki, pinatay ng limang kaibigan; bangkay ng biktima itinapon sa septic tank

- Pinagtulungan ng limang suspek na patayin ang biktima sa Pasig gamit ang pagsakal at pagsaksak ng screwdriver

- Inilibing ang katawan ng biktima sa isang poso-negró na sinemento ng mga salarin

- Ayon sa pulisya, love triangle at selos ang motibo sa krimen

- Apat sa limang suspek ang nahuli na ng mga awtoridad matapos ang follow-up operation

Mistulang isang bangungot ang sinapit ng isang lalaki matapos itong pagtulungan ng limang indibidwal namismong mga kaibigan nya. Ang biktima ay sinakal at sinaksak gamit ang isang screwdriver.

Lalaki, pinatay ng limang kaibigan; bangkay ng biktima itinapon sa septic tank
Lalaki, pinatay ng limang kaibigan; bangkay ng biktima itinapon sa septic tank
Source: Youtube

Sa ulat ng "24 Oras" sa GMA News nitong Miyerkules, iniulat ni Emil Sumangil na apat sa limang suspek ay nahuli na ng mga awtoridad. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, matapos patayin ang biktima, ibinalot siya sa kumot at inihulog sa isang poso-negró na sinemento pa ng mga salarin.

Ayon kay Police Captain Jazon Lovendino, hepe ng Pasig Police, ang motibo sa karumal-dumal na krimen ay ang selos. "Ito pong sumakal, siya ang karelasyon ngayon ng ex-girlfriend ng biktima. Nagseselos siya dahil gusto ng biktima na makipagbalikan sa kaniyang dating kasintahan," aniya.

Read also

Nawawalang college student, natagpuang naka-baon sa buhangin sa Lingayen, Pangasinan

Dagdag pa niya, "Binalot ang biktima sa kumot, hinukay ang poso-negró, at doon siya inihulog bago sinemento ng mga suspek."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nadiskubre ang kinaroroonan ng katawan ng biktima sa tulong ng isang impormante. Lumabas sa imbestigasyon na pinaghihinalaan ng mga suspek na nagsusuplong ang biktima sa mga pulis kaugnay ng kanilang ilegal na gawain.

Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio.Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot - Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.

Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate