Doc Willie Ong, nagbahagi ng picture matapos ang kanyang 1st round of chemo

Doc Willie Ong, nagbahagi ng picture matapos ang kanyang 1st round of chemo

- Sa Facebook page ni Doc Willie Ong ay binahagi niya ang isang picture niya na nakasuot siya ng sombrero

- Aniya, natapos na ang first round of chemo at mag-uumpisa na ang pangalawang round ng chemotherapy niya

- Kaya naman, 2 percent na lamang daw ng kanyang buhok ang natitira na hindi makita sa naturang picture dahil nakasuot sya ng sombrero

- Matatandaang nauna na niyang sinabi na maglalagas talaga ang buhok niya dahil sa pagdadaanan niyang gamutan

Sa kaniyang Facebook page, ibinahagi ni Doc Willie Ong ang isang larawan kung saan siya ay nakasuot ng sombrero. Ayon sa doktor, natapos na ang kaniyang unang round ng chemotherapy at magsisimula na ang ikalawang round ng kaniyang gamutan.

Doc Willie Ong, nagbahagi ng picture matapos ang kanyang 1st round of chemo
Doc Willie Ong, nagbahagi ng picture matapos ang kanyang 1st round of chemo
Source: Facebook

Dahil dito, ibinahagi rin ni Ong na 2 porsyento na lang ng kanyang buhok ang natitira, at hindi ito makikita sa naturang larawan dahil nakasuot siya ng sombrero.

Read also

Doc Willie Ong, muling nagbahagi ng kanyang mensahe sa mga Filipino

Matatandaang nauna nang sinabi ni Doc Willie na tiyak na malalagas ang kanyang buhok dahil sa mga treatment na kailangan niyang pagdaanan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pasensya na at wala na akong buhok. Parang 2% na lang ang natitira. 2nd round o chemo today till Friday. God bless.

Ayon sa WebMD, ang chemotherapy ay maaaring magdulot ng pagkalagas ng buhok dahil ang mga gamot na ginagamit sa paggamot ay malalakas na sumisira sa mga mabilis na nagre-replicate na cells, kabilang na rito ang hair follicles.

Habang ang pangunahing target ng chemotherapy ay ang mga cancer cells, naaapektuhan din nito ang mga malulusog na cells tulad ng mga hair follicles, kaya naman nagiging dahilan ito ng pagkalagas ng buhok.

Si Willie Tan Ong ay isang Filipino cardiologist, internist, at media personality na sumikat dahil sa pagbibigay ng mga payong medikal sa kanyang Facebook page at YouTube channel. Nakilala din siya sa programang Salamat Dok bilang isa sa mga resident medical expert at volunteer doctor mula 2008 hanggang 2018. Bukod pa rito, naging regular din siyang kolumnista sa The Philippine Star at Pilipino Star Ngayon kung saan nagsusulat siya tungkol sa kalusugan.

Read also

Mark Andrew Yulo, ibinida ang kagandahan ng kanyang misis

Matatandaang naikwento ni Doc Willie Ong na minsan siyang sumailalim sa hosting workshop ni Boy Abunda. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang 'Kuya Boy' na siyang humasa ng kanyang kakayahan ngayon sa pag-host tulad ng kanyang YouTube channel.

Ipinaliwanag din ni Doc Willie ang tungkol sa sinasabing sanhi ng pagpanaw ni Jovit Baldivino, ang an*urysm. Bagama't bata pa si Jovit sa karaniwang edad na tinatamaan nito, may ibang maaring dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa pagkakaroon nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate