Gurò sa Piddig, Ilocos Norte, inatake ng dalawang magkapatid na mag-aaral

Gurò sa Piddig, Ilocos Norte, inatake ng dalawang magkapatid na mag-aaral

- Dalawang magkapatid na estudyante sa Piddig, Ilocos Norte, ang umatake sa isang gurò matapos itong pagsabihan ang isa sa kanila

- Ang insidente ay nagdulot ng diskusyon tungkol sa disiplina at karapatan ng mga gurò at estudyante sa mga paaralan

- Bagama’t nasaktan ang gurò, nagdesisyon itong hindi na magsampa ng kaso matapos ang kasunduan ng dalawang panig

- Patuloy na iniimbestigahan ng DepEd ang pangyayari, habang naglabas ng advisory ukol sa tamang asal at respeto sa mga paaralan

Isang insidente ng karahasan sa loob ng paaralan ang naganap kamakailan sa Piddig, Ilocos Norte, kung saan dalawang magkapatid na mag-aaral ang umano'y umatake sa kanilang gurò . Ang naturang pangyayari ay muling nagpaigting ng mga usapin tungkol sa disiplina sa loob ng mga silid-aralan at ang balanse ng karapatan ng gurò at mag-aaral.

Gurò sa Piddig, Ilocos Norte, inatake ng dalawang magkapatid na mag-aaral
Gurò sa Piddig, Ilocos Norte, inatake ng dalawang magkapatid na mag-aaral
Source: Youtube

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtaas ng mga alalahanin ukol sa pag-uugali ng mga estudyante laban sa mga gurò , lalo na sa ilalim ng mga patakaran gaya ng Child Protection Policy at mga batas laban sa corporal punishment, na naglilimita sa paraan ng pagdidisiplina ng mga gurò .

Read also

Doc Willie Ong, muling dumaan sa kritikal na kondisyon

Ayon sa ulat, nagsimula ang insidente nang pagsabihan ng gurò ang isang mag-aaral dahil sa pagiging maingay sa kabilang silid. Agad na dumating ang kapatid ng estudyante, at magkasamang sinaktan ng magkapatid ang gurò , dahilan upang bumagsak ito sa sahig. Mabuti na lamang at mabilis na namagitan ang ibang gurò at estudyante upang pigilan ang sitwasyon.

Dahil sa insidente, nagkaroon ng mga sari-saring reaksyon mula sa publiko at sa online community. Ang Department of Education (DepEd) ay nagsasagawa na ng imbestigasyon, samantalang nagpahayag naman ng pagkagalit ang Teacher’s Dignity Coalition (TDC) ukol sa nasabing insidente.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inakala daw ng mag-aaral na maaaring saktan ng gurò ang kanyang kapatid kaya nila ginawa ang nasabing aksyon. Sa kabila ng pananakit, nagdesisyon ang gurò na huwag nang magsampa ng kaso matapos magkasundo ang magkabilang panig.

Read also

SB19 Stell at Pablo sinagot isyu ng pagpaparetoke: 'Di ba obvious?'

Sa gitna ng kontrobersya, naglabas ng advisory ang DepEd-Ilocos Norte ukol sa disiplina ng mga estudyante, na naglalayong paalalahanan ang mga mag-aaral ukol sa tamang asal at paggalang sa mga gurò .

Nangyari ang insidente kasabay ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month, kaya’t mas lalong naging matindi ang talakayan ukol sa pagbagsak ng respeto ng mga estudyante sa mga gurò . Marami ang nagsasabing ang mga patakaran tulad ng Child Protection Policy ang nagiging dahilan ng kakulangan ng mga gurò sa pagpapatupad ng disiplina.

Ang pangyayaring ito ay sumasalamin sa mga hamong kinakaharap ng mga paaralan sa pagpapanatili ng kaayusan at respeto, habang isinasaisip ang proteksyon ng mga mag-aaral at ang awtoridad ng mga gurò .

Samantala, sa ibang balita, matatandaang labis na hinahangaan ang isang güro sa Negros Occidental na patuloy na nagtuturo sa kabila ng karamdaman. Tatlong beses kada linggo itong nagpapa-dialysis dahil sa sakit.

Read also

Sandro Muhlach, nakahanap nang personal sina Nones at Cruz sa DOJ

Muling hinangaan ang gurong si Jeric Maribao nang muli siyang mamahagi ng biyaya. Hindi lamang mga estudyante ang kanyang sinurpresa kundi maging maga magulang nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate