Mark Andrew Yulo, ibinida ang kagandahan ng kanyang misis

Mark Andrew Yulo, ibinida ang kagandahan ng kanyang misis

- Binahagi ni Mark Andrew Yulo sa kanyang post sa Facebook ang ilang pictures ng kanyang maybahay na si Angelica Yulo

- Ayon sa kanya, mga picture daw ito ng kanyang misis na binigay sa kanya noon

- Makikita sa naturang mga pictures ang mas batang mukha ni Mrs. Yulo at marami ang nakapansin sa kagandahan nito

- Sa comment section naman ay binahagi ng isang kaklase ni Mr. Yulo ang kanyang picture sa kanilang yearbook na nagpakita ng kanyang itsura noong mas bata siya

Sa isang nakakatuwang post sa Facebook, ibinida ni Mark Andrew Yulo ang kagandahan ng kanyang maybahay na si Angelica Yulo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ilang mga lumang litrato nito. Ayon kay Mark, ang mga larawan ay regalo sa kanya noon pa at pinili niyang ipakita ito upang ipagmalaki ang kanyang asawa.

Mark Andrew Yulo, ibinida ang kagandahan ng kanyang misis
Mark Andrew Yulo, ibinida ang kagandahan ng kanyang misis
Source: Facebook

Sa naturang mga litrato, makikita ang mas batang itsura ni Mrs. Yulo, at hindi maiwasang mapansin ng mga netizens ang kanyang taglay na kagandahan. Marami ang nagpahayag ng paghanga sa comment section, kasama na ang isang kaklase ni Mr. Yulo na nagbahagi rin ng isang larawan mula sa kanilang yearbook, na nagpakita ng itsura ni Mark noong kabataan niya.

Read also

Ex-PBB housemate na si John Adajar, malaking tulong sa pagkadakip ng snatcher sa San Pablo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas na nagningning sa mga kumpetisyon sa gymnastics, partikular sa floor exercise at vault. Mula pagkabata, nagsimula na siyang magsanay, at nabigyan siya ng pagkakataong mag-aral at mag-ensayo sa Japan, kung saan lalo pang pinahusay ang kanyang mga kakayahan. Noong 2019, siya ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships.

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.

Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate