Doc Willie Ong, naglabas ng saloobin sa mga nanghusga sa kanya
- Sa kanyang binahaging video, nilabas ni Doc Willie Ong ang kanyang saloobin sa mga bashing sa kanya matapos ang kanyang pagtakbo bilang vice president noong 2022
- Aniya, ang kanyang pagtakbo ay para makapagserbisyo sa mga Pilipino na minamahal niya
- Sa tingin daw niya nakuha niya ang cancer ay mula sa mga negative emotions dahil sa tinanggap na bashing sa kanya
- Dagdag pa niya, kung mabubuhay siya ay mabubuhay siya para magserbisyo sa mga Pilipino
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa isang emosyonal na video na ibinahagi ni Doc Willie Ong, isa sa mga kilalang doktor at dating kandidato sa pagka-bise presidente noong 2022, nilabas niya ang kanyang saloobin sa mga negatibong komento at panghuhusga na natanggap niya matapos ang kanyang pagtakbo sa politika. Ayon sa kanya, ang kanyang paglahok sa eleksyon ay walang ibang layunin kundi ang makapagserbisyo sa mga Pilipinong labis niyang minamahal.
"Ang pagtakbo ko ay hindi para sa sarili ko, kundi para sa inyo. Bawat hakbang, bawat kampanya, para sa inyong kapakanan," pahayag ni Ong. Inamin din niya na walang malaking gastusin ang kanyang mga kampanya, at wala siyang intensyong makapanloko o mang-away. Ngunit sa kabila nito, hindi naiwasan ni Ong na makaramdam ng sama ng loob mula sa mga bashers na patuloy siyang binabatikos.
Dagdag pa ni Doc Willie, naniniwala siyang ang kanyang pagkakaroon ng cancer ay maaaring nag-ugat sa mga negatibong emosyon na dala ng patuloy na pambabatikos sa kanya. Aniya, ang stress na dulot ng mga ito ay maaaring nakaapekto sa kanyang kalusugan. Gayunpaman, pinili pa rin niyang maging bukas sa publiko tungkol sa kanyang pinagdadaanan, sa kabila ng pagtutol ng kanyang mga kamag-anak.
Ipinahayag din niya ang kanyang hiling na maging mas caring at loving ang mga Filipino sa isa't isa.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Di nyo naiintindihan gaano ko kayo kamahal. Sumama sobra loob ko," ani Doc Willie, habang pinapaalala sa mga tao na ang pagkakaisa at pagmamalasakit sa kapwa ay dapat manaig sa gitna ng anumang pagkakaiba.
Si Willie Tan Ong ay isang Filipino cardiologist, internist, at media personality na sumikat dahil sa pagbibigay ng mga payong medikal sa kanyang Facebook page at YouTube channel. Nakilala din siya sa programang Salamat Dok bilang isa sa mga resident medical expert at volunteer doctor mula 2008 hanggang 2018. Bukod pa rito, naging regular din siyang kolumnista sa The Philippine Star at Pilipino Star Ngayon kung saan nagsusulat siya tungkol sa kalusugan.
Matatandaang naikwento ni Doc Willie Ong na minsan siyang sumailalim sa hosting workshop ni Boy Abunda. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang 'Kuya Boy' na siyang humasa ng kanyang kakayahan ngayon sa pag-host tulad ng kanyang YouTube channel.
Ipinaliwanag din ni Doc Willie ang tungkol sa sinasabing sanhi ng pagpanaw ni Jovit Baldivino, ang an*urysm. Bagama't bata pa si Jovit sa karaniwang edad na tinatamaan nito, may ibang maaring dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa pagkakaroon nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh