Doc Willie Ong, muling dumaan sa kritikal na kondisyon
Muling na-admit si Doc Willie Ong sa ospital noong Setyembre 7, 2024 dahil sa neutropenic sepsis
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nakaranas siya ng mataas na lagnat, panginginig, tuyong bibig, at mababang blood pressure
Bumagsak sa 0.36 ang kanyang bilang ng puting selula ng dugo mula sa normal na 5-10
Nakalabas siya ng ospital noong Setyembre 13, 2024 matapos ang anim na araw ng gamutan
Muling dumaan sa kritikal na kondisyon si Doc Willie Ong matapos siyang ma-diagnose ng neutropenic sepsis, isang seryosong komplikasyon na dulot ng mababang bilang ng puting selula ng dugo, ayon sa kanyang pinakabagong update.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Noong Setyembre 7, 2024, muling na-admit si Doc Willie sa ospital matapos makaranas ng matinding lagnat, panginginig, tuyong bibig, at pagkahilo. Ang kanyang blood pressure ay bumaba sa 85/60, habang umabot naman sa 128 ang kanyang heart rate. Higit pang nag-alala ang kanyang mga doktor nang malaman na ang kanyang puting selula ng dugo ay bumagsak sa 0.36, malayo sa normal na antas na 5-10.
Matatandaang naunang ibinahagi ni Doc Willie ang tungkol sa pagkakatuklas ng kanyang cancer na minsan na ring nagbanta sa kanyang buhay. Sa kanyang bagong post, ipinahayag niya ang panibagong hamon na kinaharap ng kanyang kalusugan. "Isa na namang pakikipagbuno sa kamatayan," ani Doc Willie.
Makaraang ang anim na araw ng gamutan, nakalabas na siya sa ospital noong Setyembre 13, 2024. Bagama’t patuloy na bumabangon mula sa pagsubok na ito, hindi rin maikakaila ang pangangailangan ni Doc Willie ng maingat na medikal na atensyon sa mga susunod na linggo.
Dagdag pa niya, mas pinahahalagahan niya ngayon ang bawat araw at oras kasama ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay. Nanatili siyang positibo at nagpapasalamat sa mga dasal at suporta mula sa kanyang mga tagasunod.
Patuloy na hinihimok ni Doc Willie ang lahat na mag-ingat sa kanilang kalusugan at magpakonsulta agad sa mga doktor sakaling makaramdam ng anumang sintomas.
Si Willie Tan Ong ay isang Filipino cardiologist, internist, at media personality na sumikat dahil sa pagbibigay ng mga payong medikal sa kanyang Facebook page at YouTube channel. Nakilala din siya sa programang Salamat Dok bilang isa sa mga resident medical expert at volunteer doctor mula 2008 hanggang 2018. Bukod pa rito, naging regular din siyang kolumnista sa The Philippine Star at Pilipino Star Ngayon kung saan nagsusulat siya tungkol sa kalusugan.
Matatandaang naikwento ni Doc Willie Ong na minsan siyang sumailalim sa hosting workshop ni Boy Abunda. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang 'Kuya Boy' na siyang humasa ng kanyang kakayahan ngayon sa pag-host tulad ng kanyang YouTube channel.
Ipinaliwanag din ni Doc Willie ang tungkol sa sinasabing sanhi ng pagpanaw ni Jovit Baldivino, ang an*urysm. Bagama't bata pa si Jovit sa karaniwang edad na tinatamaan nito, may ibang maaring dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa pagkakaroon nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh