Angelica Yulo, labis na nagpasalamat nang tanggapin ang 'Ulirang Ina Award'

Angelica Yulo, labis na nagpasalamat nang tanggapin ang 'Ulirang Ina Award'

- Natanggap na ni Angelica Yulo, ina ng Paris Olympics gold medalist na si Carlos Yulo ang kanyang award

- Kasama ni Angelica ang kanyang mister na si Mark nang tanggapin niya ang 'Ulirang Ina Award'

- Bagama't marami ang bumatikos sa kanya nang ianunsyo ng award giving body na kabilang si Angelica sa makatatanggap ng award, marami rin ang sumuporta sa kanya

- Matatandaang kasabay ng tagumpay ng kanyang anak na si Carlos ay ang paglitaw ng kontrobersiyang namamagitan sa kanilang pamilya

Ngayong Setyembre 14, tinanggap na ni Angelica Yulo ang “Inspiring Motherhood Legacy Award” o "Ulirang Ina Award" na iginawad sa kanya ng Southeast Asian Achievement Awards.

Angelica Yulo, labis na nagpasalamat nang tanggapin ang 'Ulirang Ina Award'
Angelica Yulo, labis na nagpasalamat nang tanggapin ang 'Ulirang Ina Award' (Joseph Ople Canabuan)
Source: Facebook

Isa si Angelica sa mga hinirang na Ulirang ina para sa taong ito ng nasabing award-giving body.

Kasama ni Angelica ang kanyang mister na si Mark sa pagtanggap ng naturang award.

Read also

Lovi Poe, napa-'sana all' sa binahaging picture ni Toni Fowler

Labis na nagpasalamat si Angelica subalit tanging ito na lamang ang kanyang nasambit sa video na ibinahagi ni Joseph Ople Canabuan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang inulan ng batikos ang pag-anunsyo pa lamang ng Southeast Asian Achievement Awards na kasama si Angelica sa kanilang mga pangangaralan, subalit dinagsa rin siya ng suporta bilang ina ng nagbigay karangalan sa bansa na si Carlos Yulo.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa vault at floor exercises. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa edad na pito at nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral at mag-ensayo sa Japan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019. Dalawang gintong medalya ang maiuuwi ni carlos mula sa 2024 Paris Olympics.

Read also

Jennica Garcia, may pasilip sa kanyang mga paninda para sa live selling nya

Samantala, gumulantang naman sa publiko ang naging post ng ina ni Carlos, ilang araw bago masungkit ng anak ang gold medal sa Artistic Gumnastics, Men's Floor exercises mula sa Paris Olympic Games 2024.

Nasundan pa umano ito ng ilang sinasabing reaksyon ng girlfriend nitong si Chloe San Jose sa umano'y isyu na ito ng mag-ina na sa kasamaang palad ay lumitaw sa kasagsagan ng tagumpay na natamo ni Carlos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica