Darryl Yap sa beauty tip ni Chloe San Jose: "Alam nyo na paano kakapal ang mukha nyo"

Darryl Yap sa beauty tip ni Chloe San Jose: "Alam nyo na paano kakapal ang mukha nyo"

- Nag-post si Darryl Yap ng banat sa beauty regimen ni Chloe San Jose, girlfriend ni Carlos Yulo

- Ibinahagi ni Chloe ang kanyang skincare routine na kinabibilangan ng cleanser, toner, serum, at sunscreen

- Nag-caption si Darryl ng "Alam nyo na paano kakapal ang mukha nyo" sa post ngunit binawi ito sa comments section

- Pinalitan ni Darryl ang kanyang banat ng biro, sinabing "*gaganda. Sorry, nakaAuto yung Kakapal"

Muling nagpakawala ng kontrobersyal na banat ang direktor na si Darryl Yap kay Chloe San Jose, girlfriend ng Olympic gold medalist na si Carlos Yulo. Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Darryl ang isang interview kung saan ibinahagi ni Chloe ang kanyang beauty regimen.

Darryl Yap sa beauty tip ni Chloe San Jose: "Alam nyo na paano kakapal ang mukha nyo"
Darryl Yap sa beauty tip ni Chloe San Jose: "Alam nyo na paano kakapal ang mukha nyo"
Source: Facebook

"I have cleansing balm po and after is cleanser, the foam cleanser, toner, serum, moisturizer and then sunscreen," ani Chloe tungkol sa kanyang skincare routine. Nang tanungin kung gaano katagal ang kanyang routine, sagot ng dalaga, "No naman hours, few minutes!"

Read also

Aiai Delas Alas, nais daw bumili sa live selling ni Angelica Yulo: "Support ko live selling nila"

Sa post ni Darryl, nilagyan niya ito ng nakakatawang caption, "Alam nyo na paano kakapal ang mukha nyo," na agad na nagdulot ng samu't saring reaksyon mula sa netizens.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, binawi ni Darryl ang kanyang pang-ookray sa comments section. "Gaganda. Sorry, nakaAuto yung Kakapal," biro ng direktor, na kilala rin bilang direktor ng box office hit na "Maid in Malacañang."

Patuloy namang umaani ng komento at reaksyon ang post, at inaasahan na magiging usap-usapan ito sa social media sa mga darating na araw.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas, na ipinagmamalaki dahil sa kanyang natatanging mga pagtatanghal sa iba't ibang kompetisyon ng gymnastics, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lang nang magsimula siyang magsanay, at kalaunan ay nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at mag-ensayo sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang talento. Noong 2019, ginawa niyang kasaysayan bilang unang Pilipino na nakapag-uwi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships.

Read also

Ry Velasco, trending dahil sa video ng pagbigay niya ng kotse sa amang si Onyok Velasco

Binalikan ng netizens ang lumang post ni Angelica Yulo tungkol sa kanyang sakripisyo bilang ina. Ibinahagi ni Angelica kung paano niya sinantabi ang kanyang mga pangarap para sa kapakanan ng kanyang mga anak.Umani ng iba't ibang reaksyon ang post, lalo na’t naging mainit ang usapin ang tungkol sa tampuhan nila ng anak niyang si Carlos Yulo. Naging usap-usapan din ang relasyon ni Carlos kay Chloe San Jose na posibleng may kaugnayan sa isyu.

Binebenta na ng pamilya Yulo ang kanilang bahay sa Imus, Cavite. Makikita sa mga larawan ang dalawang palapag na property na binili nila ilang taon na ang nakalipas . Naka-display ang mga parangal ni Carlos Yulo sa family room, kabilang ang kanyang gold medal sa 2021 Gymnastics World Championships. Mas pinili ng pamilya Yulo na manirahan sa Leveriza Street, Manila kaya hindi naaasikaso ang property.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate