Ama ni Carlos Yulo, namataan sa heroes' parade para sa kanyang anak at iba pang Olympians

Ama ni Carlos Yulo, namataan sa heroes' parade para sa kanyang anak at iba pang Olympians

- Agaw-pansin ang proud na ama ni Carlos Yulo na na dumalo sa ginanap na Heroes' welcome para sa mga Olympians at sa kanyang anak

- Makikita si Mark Andrew Yulo na nag-aabang sa pagdaan ng float kung saan nakasakay ang anak na Two-time Olympic gold medalist

- Makikita din sa likod ng ama ni Carlos ang banner kung saan nakalagay ang mga salitang 'CALOY, DITO PAPA MO!'

- Matatandaang matapos ang kanyang makasaysayang panalo sa Olympics ay pinasalamatan ni Carlos ang kanyang ama

Agaw-pansin ang proud na ama ni Carlos Yulo, si Mark Andrew Yulo, sa ginanap na Heroes' welcome para sa mga Pilipinong Olympians na matagumpay na nakilahok sa 2024 Paris Olympics. Sa kabila ng dami ng tao na sumalubong sa mga atleta, kitang-kita si Mark na buong tiyagang nag-aabang sa pagdaan ng float kung saan nakasakay ang kanyang anak, ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Read also

Mommy Dionisia Pacquiao, may payo kay Carlos Yulo: "Mahalin mo ang nanay mo"

Ama ni Carlos Yulo, namataan sa heroes' parade para sa kanyang anak at iba pang Olympians
Ama ni Carlos Yulo, namataan sa heroes' parade para sa kanyang anak at iba pang Olympians
Source: Facebook

Habang dumarating ang float na sakay ang mga atleta, hindi maikakaila ang kasiyahan at pagmamalaki sa mukha ni Mark. Makikita sa likod niya ang isang banner na may nakasulat na "CALOY, DITO PAPA MO!" na tila isang personal na mensahe ng suporta mula sa isang ama na naglaan ng lahat upang maabot ng kanyang anak ang kanyang mga pangarap. Maraming nakapansin sa banner na ito, at naging simbolo ito ng walang kapantay na suporta ng mga magulang sa kanilang mga anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa pagdaan ng float, masigabong palakpakan at sigawan mula sa mga tagahanga ang bumati sa mga atleta. Matatandaang matapos ang makasaysayang panalo ni Carlos sa Olympics, isa sa mga pinasalamatan niya ay ang kanyang ama. Ayon kay Carlos, malaki ang naging papel ng kanyang ama sa kanyang tagumpay.

Read also

Sports Occupational therapist ni Carlos Yulo, nagpasalamat sa pagbuhos ng pagbati at suporta

Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas na nag-uwi ng gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang alitan dahil sa kasintahan ni Carlos na si Chloe San Jose.

Sa kabila ng mga paratang na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng kanyang post, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling ng kopya para sa kanyang reference.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate