Taho vendor na sinubukang maglako sa kasagsagan ni 'Carina,' hinangaan ng marami
- Marami ang bumilib sa isang isang taho vendor na pinili paring maglako sa kasagsagan ng bagyong Carina
- Bukod dito, makikitang tumataas na rin ang tubig baha sa kanilang lugar
- Ibinahagi ng kanyang anak ang nasaksihang kasipagan ng ama
- Samantala, isa ring taho vendor ang umantig sa puso ng marami nang suungin nito ang hanggang baywang na baha sa pag-asang makapagtitinda pa rin siya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hinangaan ng marami ang 52-anyos na taho vendor na si Eleanor Ecija matapos na subukang maglako pa rin sa kasagsagan ng bagyong Carina noong Hulyo 24.
Ibinahagi ng kanyang anak na si Julie Ecija sa kanyang Tiktok (@jliecja) ang naabutang eksena sa papataas na tubig baha dala ng walang tigil na pag-ulan.
"Hindi ako mahilig mag-post ng ganito pero gusto kong ipagmalaki sa social media na ikaw ang papa ko," ang bahagi ng nakakaantig na post ni Julie.
Dagdag pa niya, isang taon na lamang umano ang makapagtatapos na siya ng kolehiyo. Ito umano isang dahilan ng patuloy na pagsisipag ng kanyang ama.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Gayunpaman, nilinaw ni Julie na hindi na nakatuloy sa paglalako ang ama sa patuloy na pagtaas ng tubig baha. Kaya naman, ginawa na lamang nilang tokwa ang taho na naging ulam pa nila sa araw na iyon.
Samantala, narito ang ilang larawan ni Tatay Eleanor na naibahagi rin ng Philippine Star:
Samantala, isa aring taho vendor ang umantig sa puso ng nang marami matapos na lakas-loob nitong suungin ang hanggang baywang na baha sa Sta. Mesa Manila.
Sa ulat ng ABS-CBN, makikitang bagama't hirap sa kanyang bitbit, determinado pa rin ang taho vendor na makapagtinda.
Matatandaang isa rin sa mga umantig sa puso ng netizens ang kwento ng ama ng triplets na si Joel Regal na nakapanayam ni Toni Gonzaga. Sa naturang interview, kapansin-pansin na naluha na rin si Toni sa umpisa pa lamang ng salaysay ng nasabing panauhin.
Si Joel ay minsan nang nag-viral nang maibahagi niya ang kwento ng pagiging solo parent niya sa kanyang triplets na mga anak. Pumanaw ang kanyang misis sa umano'y naging komplikasyon sa kanyang panganganak. Mula noo'y si Joel na ang nagtaguyod sa kanyang mga prinsesa, sa tulong ng kanyang biyenan at ibang kaanak na nagmamalasakit sa kanilang mag-aama
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh