Driver ng dalawang suspek sa pagpaslang sa magkasintahang Geneva at Yizhak, sumuko na

Driver ng dalawang suspek sa pagpaslang sa magkasintahang Geneva at Yizhak, sumuko na

- Sumuko ang driver ng dalawang pangunahing suspek sa pagpatay kina Geneva Lopez at Yitzhak Cohen, ayon sa CIDG

- Si "Jess" daw ang nagturo sa pulisya kung saan ibinaon ang mga bangkay ng mga biktima sa Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac

- Kinumpirma ni Pampanga Governor Dennis Pineda ang pagkakakilanlan ng mga bangkay na natagpuan noong Sabado

- Nasa kustodiya ng CIDG ang dalawang dating pulis na pangunahing suspek, isa rin sa kanila ay nahuli dahil sa ilegal na pag-iingat ng mga baril

Inihayag ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Linggo ang isang mahalagang breakthrough sa imbestigasyon ng pagpatay kay beauty pageant candidate Geneva Lopez at sa kanyang Israeli boyfriend na si Yitzhak Cohen, matapos sumuko ang isa sa mga persons of interest.

Driver ng dalawang suspek sa pagpaslang sa magkasintahang Geneva at Yizhak, sumuko na
Driver ng dalawang suspek sa pagpaslang sa magkasintahang Geneva at Yizhak, sumuko na
Source: Facebook

Sa ulat ng Philippine News Agency, sinabi ni CIDG Director Maj. Gen. Leo Francisco, na si "Jess," driver ng dalawang dating pulis na pangunahing suspek, ang nagturo sa mga pulis kung saan ibinaon ang mga bangkay nina Lopez, 27, at Cohen, 37, sa Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac.

Read also

Lalaking may utang daw kay Yitzhak Cohen, iniuugnay sa pagpaslang sa magkasintahan

Ang mga bangkay na natagpuan noong Sabado ay kinumpirmang sina Lopez at Cohen, ayon kay Pampanga Governor Dennis Pineda na tumulong sa pagsubaybay sa kaso dahil tubong Pampanga si Lopez.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa salaysay ni Jess, siya ay inupahan upang magmaneho ng isang sports utility vehicle (SUV) para sa dalawang pangunahing suspek, na sinasabing mga pulis na nag-AWOL (absent without official leave). Ayon kay Jess, siya ay nagulat nang makita ang dalawang katawan sa likuran ng SUV, ngunit dahil sa takot para sa kanyang kaligtasan, sumunod siya sa mga utos.

Sinabi ni Francisco na si Jess ay itinuturing na ngayong state witness ngunit maaari pa rin siyang masampahan ng kaso kaugnay sa pagpaslang sa magkasintahan.

Maglalabas ng karagdagang mga detalye ang Philippine National Police (PNP) at ang Department of the Interior and Local Government sa Lunes tungkol sa kaso.

Read also

Robi Domingo, ibinahagi ang picture kasama ang ex-PBB housemate na si Mikee Lee

Ang dalawang dating opisyal ng pulisya ay nasa kustodiya ng CIDG, at ang isa sa kanila ay nahuli rin dahil sa ilegal na pag-iingat ng mga baril.

Huling nakita sina Lopez, isang Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant, at ang kanyang Israeli boyfriend na si Cohen noong Hunyo 21. Bumiyahe ang dalawa mula sa kanilang tirahan sa Angeles City, Pampanga patungong Tarlac upang tingnan ang bibilhing lupa.

Matatandaang sinusuri ng mga awtoridad ang CCTV footage ng sasakyan na ginamit ng Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant na si Geneva Lopez at ng kanyang Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen, na iniulat na nawawala noong Hunyo 22.

Nauna na ring naiulat na ilang tao na ang itinuturing na persons of interest (POI) ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagkawala ng beauty pageant contestant mula Pampanga na si Geneva Lopez at ng kanyang Israeli na boyfriend na si Yitshak Cohen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate