Ex-cop, kasama sa pitong persons of interest sa pagkawala ng magkasintahan sa Tarlac

Ex-cop, kasama sa pitong persons of interest sa pagkawala ng magkasintahan sa Tarlac

- Kabilang ang isang dating pulis sa pitong persons of interest sa pagkawala ng magkasintahang sina Geneva Lopez at Yitshak Cohen sa Tarlac

- Hindi pa nakakapanayam ng mga awtoridad ang lahat ng itinuturing na persons of interest ayon kay CIDG Chief Police Major General Leo Francisco

- Huling nakita ang magkasintahan noong Hunyo 21 matapos bumiyahe mula Pampanga patungong Tarlac upang tingnan ang bibilhing lupa

- Nag-alok ang pamilya ni Cohen ng P250,000 na pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa kanilang kinaroroonan

Isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang naghayag na kabilang ang isang dating pulis, na nagsilbing middleman nina Geneva Lopez at Yitshak Cohen sa pagbili ng lupa, sa pitong persons of interest kaugnay ng pagkawala ng magkasintahan sa Tarlac.

Ex-cop, kasama sa pitong persons of interest sa pagkawala ng magkasintahan sa Tarlac
Ex-cop, kasama sa pitong persons of interest sa pagkawala ng magkasintahan sa Tarlac
Source: Facebook

Sa isang panayam sa Super Radyo dzBB nitong Huwebes, sinabi ni Police Major General Leo Francisco, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na hindi pa nila nakakapanayam ang lahat ng itinuturing na persons of interest sa kaso.

Read also

Mag-asawa, nasawi rin habang ibinabiyahe ang bangkay ng kanilang sanggol

Ayon kay Francisco, ang dating pulis na dating nakatalaga sa Angeles City, Pampanga ay nakikipagtulungan sa mga awtoridad. Siya ang nagsilbing middleman ng magkasintahan at kasama nilang tumingin sa bibilhing lupa sa Capas, Tarlac.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

'Yung kaniyang katransaksyon naman na 'yun ay willing na magsalita at nagsasalita. Ang kanyang nilahad sa paunang imbestigasyon siya ay nakipag-usap nga sa magkasintahan na ito at naghiwalay na sila pagkatapos nung site visit nila sa lupang bibilhin. Nabalitaan na lang nila na nakita yung abandoned vehicle," pahayag ni Francisco.

Tatlong posibleng motibo ang iniimbestigahan ng mga awtoridad sa pagkawala ng magkasintahan, ngunit hindi ito idinetalye ni Francisco.

Huling nakita sina Lopez, isang Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant, at ang kanyang Israeli boyfriend na si Cohen noong Hunyo 21. Bumiyahe ang dalawa mula sa kanilang tirahan sa Angeles City, Pampanga patungong Tarlac upang tingnan ang bibilhing lupa.

Read also

Sen. Nancy Binay, nag-walk out sa pagdinig ng Senado matapos makasagutan si Sen. Alan Peter Cayetano

Matatandaang sinusuri ng mga awtoridad ang CCTV footage ng sasakyan na ginamit ng Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant na si Geneva Lopez at ng kanyang Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen, na iniulat na nawawala noong Hunyo 22.

Nauna na ring naiulat na ilang tao na ang itinuturing na persons of interest (POI) ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagkawala ng beauty pageant contestant mula Pampanga na si Geneva Lopez at ng kanyang Israeli na boyfriend na si Yitshak Cohen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate