Rosmar Tan, sumagot sa isyu ng umano'y hindi nila pagbayad sa kinain nila sa Coron
- Nilinaw ni Rosmar Tan ang isyu tungkol sa umano'y hindi nila pagbayad sa kinain nila sa Coron
- Ipinahayag niya na ang pagkain nila ay bahagi ng XDEAL kung saan kapalit ng libreng pagkain ay pagpopromote nila sa social media
- Maraming restaurant daw ang nag-aagawan na ilibre sila ng pagkain dahil sa kanilang kasikatan at malaking following
- Hinikayat ni Rosmar ang publiko na huwag maniwala sa fake news na ipinapakalat ng bashers
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbigay ng pahayag si Rosmar Tan kaugnay ng mga kumakalat na balitang hindi umano nila binayaran ang kanilang kinain sa Coron, Palawan. Sa isang social media post, nilinaw ni Rosmar ang totoong pangyayari at nagbahagi ng kanyang karanasan tungkol dito.
Ayon kay Rosmar, maraming restaurant ang nag-aagawan na ilibre sila ng pagkain kapalit ng pag-promote ng kanilang mga establisyemento sa social media. Pumayag ang Team Malakas sa ganitong setup, kaya't pumunta sila sa mga restaurant na nag-alok ng libreng pagkain bilang bahagi ng XDEAL. Aniya, ipinost din nila sa kanilang social media accounts ang mga larawan at feedback sa mga restaurant na ito bilang pasasalamat.
Idinagdag ni Rosmar na ito ang unang beses na nakaranas siya ng XDEAL para sa pagkain dahil kadalasan ay nagbabayad sila kapag lumalabas kasama ang kanyang pamilya. Sa pagkakataong ito, maraming restaurant ang nagpakilala ng kanilang mga bestsellers at masaya silang tinanggap ang mga alok na ito.
Ipinaliwanag din niya na kung hindi sana ito XDEAL, pipiliin nila ang kanilang kakainan at magbabayad sila tulad ng dati. Sa isang gabi, tatlong restaurant ang nag-aagawan sa kanila para sa dinner booking, at kahit na busog na sila, nagpunta pa rin sila sa isa pang restaurant bilang respeto sa nag-prepare ng pagkain.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Bilang patunay na walang isyu sa pagitan nila at ng mga restaurant na kanilang pinuntahan, sinabi ni Rosmar na ang mga ito ay nag-share pa ng kanyang post at inisponsored pa upang mas maraming tao ang makakita. Dagdag pa niya, maraming XDEAL na natatanggap niya kung saan siya ay nagpo-promote ng mga produkto nang walang sinisingil na bayad.
Sa kanyang pagtatapos, pinasalamatan ni Rosmar ang lahat ng restaurant sa Coron na kanilang kinainan at hinikayat ang mga tao na huwag maniwala sa mga fake news na ikinakabit sa kanila. Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa mga mababait at maasikasong may-ari ng mga restaurant na kanilang pinuntahan.
Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.
Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pangbu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok.
Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh