Anak ng yumaong si 'Lolo Pops', humiling ng tulong sa pagpapalibing sa mga magulang

Anak ng yumaong si 'Lolo Pops', humiling ng tulong sa pagpapalibing sa mga magulang

- Pumanaw na si Angelito Gino-Gino, kilala bilang Lolo Pops, tatlong araw matapos mamatay ang kanyang asawa

- Nag-viral ang mga litrato ni Lolo Pops na nagluluksa sa harap ng kabaong ng kanyang asawa

- Nakilala si Lolo Pops sa pagtitinda ng kendi malapit sa Angeles University Foundation sa Pampanga upang masuportahan ang kanyang pamilya

- Sa gitna ng pandemya noong 2020, natulungan siyang maibenta ang kanyang mga homemade sweets online ng isang food delivery app owner sa Pampanga

Sa pagpanaw ng viral candyman na si Angelito Gino-Gino, mas kilala bilang Lolo Lolito o "Lolo Pops," marami ang nakiramay. Hiling ng kanyang naulilang mga anak na matulungan sila sa funeral service ng kanilang mga magulang.

Anak ng yumaong si 'Lolo Pops', humiling ng tulong sa pagpapalibing sa mga magulang
Anak ng yumaong si 'Lolo Pops', humiling ng tulong sa pagpapalibing sa mga magulang
Source: Facebook

Sa Facebook page na Lolo Pop's Polvoron & Pastillas, isinapubliko ang balitang ang matandang candy vendor ay pumanaw tatlong araw lamang matapos sumakabilang-buhay ang kanyang asawa na si Pacita dela Cruz Gino-Gino.

Read also

Pops Fernandez at Martin Nievera, kinaaliwan sa kanilang bonding moment kasama ang apo

Ilang araw bago siya pumanaw, nag-viral ang mga nakakadurog na litrato ni Lolo Pops na nagluluksa sa harap ng kabaong ng kanyang asawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Naging viral si Lolo Pops ilang taon na ang nakalipas nang makita siyang nagtitinda malapit sa Angeles University Foundation sa Pampanga upang masuportahan ang kanyang pamilya.

Sa gitna ng mga paghihigpit noong pandemya noong 2020, isang may-ari ng food delivery app sa Pampanga ang nag-alok na ilagay ang homemade sweets ni "Lolo Pops" online upang matulungan siyang maibenta ang kanyang mga produkto at sinagot din ang gastos sa paghahatid.

Matatandaang sa isang ulat ng KAMI, umantig sa puso ng mga netizens ang masipag na lolo na nakatanggap ng biyaya. Nangamba pa ang lolo na hindi masuklian ang customer na bumili sa kanya ng tabo na ang ibinabayad ay 1,000. Hindi niya alam, ito ang surpresa sa kanya nito at dinagdagan pa muli ng isa pang libong piso. Mapapansing naging emosyonal ang lolo nang magpaalam sa mabait na customer niya noong araw.

Read also

Rendon Labador, may panibagong post: "Sana panaginip lang ang lahat"

Marami rin ang naantig sa namayapang lolo na naisipang magpagawa na agad ng kabaong para sa kanya. Nang ma-stroke, hindi nagdalawang isip ang matanda na magpagawa na ng sarili niyang hihimlayan pagdating ng kanyang oras. Subalit nauna pa umanong mamayapa ang karpinterong gumagawa ng kabaong. At nito lamang Hulyo 13 2022, tuluyan nang namaalam ang lolo subalit hindi na nito nagamit ang sarili niyang kabaong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate