Rosmar Tan, humingi ng paumanhin matapos ng mainit na komprontasyon sa Coron

Rosmar Tan, humingi ng paumanhin matapos ng mainit na komprontasyon sa Coron

- Nagkaroon ng mainit na komprontasyon sa pagitan nina Rosmar Tan, Rendon Labador, at isang staff ng munisipyo sa Coron

- Isang video ang pinost ng staff kung saan humingi siya ng dispensa matapos ang insidente

- Sa kanyang pahayag, sinabi ni Rosmar Tan na nadala siya ng emosyon dahil sadyang kakapanganak lang niya

- May panukala sa Sangguniang Bayan ng Coron na ideklarang persona non-grata sina Rendon Labador at Rosmar Tan matapos ang insidente

Matapos ang mainit na komprontasyon sa isang staff ng munisipyo, humingi ng paumanhin si Rosmar Tan sa kanyang naging reaksiyon.

Sa kanyang pahayag, sinabi niya, "Sorry kung nagkaganun reaction ko sadyang kakapanganak ko lang nadala lang ng emosyon. Wala naman kami ginusto kundi makatulong lang."

Rosmar Tan, humingi ng haumanhin hatapos sa hainit na komprontasyon sa Coron
Rosmar Tan, humingi ng haumanhin hatapos sa hainit na komprontasyon sa Coron
Source: Facebook

Ang insidente ay nag-ugat matapos mag-post ang naturang staff ukol sa isang charity event ng grupo ni Rosmar sa Coron. Ipinakita ng staff sa isang video ang kanyang paghingi ng dispensa.

Read also

Team Malakas, naglabas ng video para mag-public apology

Samantala, nagpanukala naman ang isang miyembro ng Sangguniang Bayan sa Coron na ideklarang persona non-grata sina Rendon Labador at Rosmar Tan kasunod ng insidente.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pangbu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pangbu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel