Lalaking nagpa-tattoo sa noo dahil sa April Fools' prank, inulan ng tulong
- Bumuhos ang pinansiyal na tulong sa lalaking nagpa-tattoo sa noo dahil sa April Fools' prank ng isang takoyaki shop
- Marami ang mga nagnais na makapaghatid ng pinansiyal na tulong kay Tatay Ramil Albano
- Nag-post rin yung iba ng kanilang hangarin na makapagbigay kay tatay ng pera, isang libreng iPhone, at lifetime na libreng pagupit
- Patuloy na pinag-uusapan online ang tungkol sa prank post na ito ng takoyaki shop
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Inulan ng tulong pinansiyal at iba pang regalo si Tatay Ramil Albano. Ito ay matapos mag-viral ang kanyang pagpapa-tattoo dahil sa prank post ng isang takoyaki shop.
Kabilang sa nagpost ng kanilang hangarin na makapagbigay kay tatay ay pera, isang libreng iPhone, at lifetime na libreng pagupit. Sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy pa rin ang naghahayag ng kanilang mensahe kay tatay.
Matatandaang kasunod ng pag-viral ng pagpapa-tattoo ni tatay ay nag-post ang takoyaki shop at nagsabing hindi nila sagutin ang nangyari.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang "April Fools" ay isang paggunita kung saan ang mga tao ay nagbibiro, nagpapakita ng mga balita na hindi totoo, o naglalabas ng iba't ibang uri ng prank. Ito ay isang pagkakataon para sa mga tao upang magpatawa at magpasaya sa isa't isa, ngunit mahalaga pa rin na tandaan na maging responsable sa paggawa ng biro at siguruhing hindi makakasakit o magdudulot ng hindi magandang epekto sa iba.
Matatandaang noong 2022, viral ang post ng isang netizen na nagawang i-prank ang ilang delivery riders. Bahagi umano ito ng April Fools' Day subalit napaiyak nito sa saya ang isa sa mga riders. Nagpasalamat din ang delivery rider na hindi inaasahang magiging pabor sa kanya ang kakaibang prank. Isa ang mga delivery riders sa itinuturing nating frontliners sa kasagsagan ng pandemya kaya naman nararapat na sila ay pagmalasakitan.
Samantala, isang netizen ang nag-post ng April Fools prank tungkol kina Belle Mariano at Donny Pangilinan. ABS-CBN Entertainment pa ang ginamit nitong pangalan sa X para magmukhang totoo ang kanyang post. Inanunsiyo nito sa post na nag-de-date na ang dalawa. Marami ang napaniwala kabilang na si Andrea Brillantes ngunit kinalaunan ay napagtanto nito na April Fool's joke pala ito.
Source: KAMI.com.gh