Rendon Labador, nagbahagi ng picture kasama si Ben Tulfo
- Nag-post si Rendon labador ng picture kasama ang batikang investigative journalist na si Ben Tulfo
- Sa kanyang caption ay nakalagay ang mga salitang "Pinuntahan ko na!" at naka-tag ang Facebook page na Bitag Live
- Matatandaang kamakailan lang ay sinabi niya na pupuntahan niya ang Bitag kasunod ng kanyang mga kontrobersiyal na post
- Sa kanyang binahaging video sa Facebook Story niya ay sinabi niyang maipapalabas ang kanyang pahayag maaring ngayong darating na Biyernes
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Tinutoo ni Rendon Labador ang kanyang sinabi na siya na mismo ang pupunta sa Bitag Live. Sa kanyang post ay binahagi niya ang picture nila ng batikang journalist na si Ben Tulfo.

Source: Facebook
Sa kanyang caption ay nakalagay ang mga salitang "Pinuntahan ko na!" at naka-tag ang Facebook page na Bitag Live.
Matatandaang sa mga nauna na niyang pahayag ay naghamon siya na ipadala sa kanya ang address ng Bitag Live para siya na daw mismo ang pupunta. Sa kanyang binahaging video sa Facebook Story niya ay sinabi niyang maipapalabas ang kanyang pahayag maaring ngayong darating na Biyernes.
Aniya, abangan na lamang ang kanyang pahayag bago pa kumalat ang mga fake news.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.
Kamakailan ay sinagot ni Rendon ang naging pahayag ni Ben Tulfo patungkol sa kanya. Aniya, namuti lang ang mata niya sa kakahintay sa gate nila ngunit walang dumating. Dagdag pa niya, siya na mismo ang pupunta sa Bitag kung ibibigay nila ang address nito. Matatandaang nag-ugat ang lahat ng umalma si Rendon sa post ni Michael V. na nagsasabing dapat malaman ng mga content ctreator.
Nagbahagi ng mensahe si Giselle Sanchez para sa social media influencer na si Rendon. Inudyukan niya ito na umamin na lamang sa pagkakamaling nagawa kaugnay sa kanyang nasabi laban kina Coco Martin at Michael V. Dagdag pa ni Giselle, kaya siya pina-follow ng kanyang followers dahil namo-motivate niya ang mga ito kaya sana ipakita daw nito sa kanila na meron siyang busilak na puso. Nagkomento naman dito si Rendon at nagsabing makipag-usap sa kanya si Giselle para maintindihan daw kung paano siya mag-isip.
Source: KAMI.com.gh