Rendon Labador: "Pa Bitag mo ko, send mo sa'kin address punta ako diyan"

Rendon Labador: "Pa Bitag mo ko, send mo sa'kin address punta ako diyan"

- Ani Rendon Labador, hindi siya nagbibiro kaugnay sa kanyang mga binitawang mga salita

- Binahagi niya ang screenshot ng komento mula sa Biyag Live na nagsasabing bilin daw ng kanilang ina sa kanilang magkakapatid na huwag pumatol sa babae

- Kasunod ng kanyang post ay nagbahagi din ng video si Rendon kung saan sinabi niyang wala siyang pakialam kahit magkampihan pa daw lahat

- Hamon pa niya ay ipahuli na lang daw siya nang magkaalaman na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Rendon Labador hindi siya nakikipagbiruan at naghamon pa siya na aniya ay ipa-Bitag daw siya at kahit siya pa ang pumunta. Aniya, gusto niya lang itama ang nakikita niyang mali.

Rendon Labador: "Pa Bitag mo ko, send mo sa'kin address punta ako diyan"
Rendon Labador: "Pa Bitag mo ko, send mo sa'kin address punta ako diyan" (Rendon Labador)
Source: Facebook

Ibinahagi ni Rendon ang screenshot ng komento mula sa Bitag live kung saan binilin daw ng kanilang ina sa kanilang magkakapatid na huwag pumatol sa babae.

Read also

Valerie Concepcion, sinubukang kausapin ang ama ng panganay na anak

Kasunod ng kanyang post ay nagbahagi din ng video si Rendon kung saan sinabi niyang wala siyang pakialam kahit magkampihan pa daw lahat. Aniya ay kung hindi kayang tanggapin ng mga sinabihan niya ang kanyang sinabi ay problema na nila ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Ayon pa kay Rendon, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Sinabi niya rin na siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin kahit ano pa man ang laman ng naturang envelop. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.

Read also

China Roces: "Sana yung mga hindi nagsusustentong tatay ay magsustento"

Binahagi ni Rendon Labador ang post ng BITAG Multimedia Network kaugnay sa paglilinaw nito tungkol sa lumabas na Fake news. Ayon kay Rendon, dahil sa fake news na ito ay nalaman niyang may kapatid daw pala si Sen. Raffy Tulfo. Ang tinutukoy na fake news na ito ay ang napabalitang statement umano ng batikang journalist na si Ben Tulfo laban kay Rendon. Kasunod ito ng mga maanghang na pahayag ni Labador laban kay Michael V.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel