Xian Gaza sa isyu nina Vice Ganda at Ion Perez: "Yung isipan lang po natin ang malaswa"

Xian Gaza sa isyu nina Vice Ganda at Ion Perez: "Yung isipan lang po natin ang malaswa"

- Para kay Xian Gaza, wala naman daw siyang makitang malaswa sa ginawa nina Ion Perez at Vice Ganda

- Kaugnay ito sa pagpapatawag ng MTRCB sa producers ng It's Showtime dahil sa naturang eksena

- Aniya, ang mga tao lang ang nag-iisip ng ganun dahil hindi raw ito maiiisip ng mga bata

- Nilinaw niya rin na hindi siya fan nina Vice Ganda at Ion dahil mismong siya ay nang-bash umano sa kanila noong 2021

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Xian Gaza sa Facebook tungkol sa isyung kinasasangkutan nina Vice Ganda at Ion Perez. Aniya, wala siyang makitang malaswa sa ginawa ng dalawa at isipan lang ng mga tao ang malaswa.

Xian Gaza sa isyu nina Vice Ganda at Ion Perez: "Yung isipan lang po natin ang malaswa"
Xian Gaza sa isyu nina Vice Ganda at Ion Perez: "Yung isipan lang po natin ang malaswa"(Christian Albert Gaza)
Source: Instagram

Ani Xian, para sa kanya, hindi naman maiisip ng mga bata na malaswa ang ginawa nila.

Tayo lang ang nag-isip nun . Hindi yun maiisip ng mga bata

Dagdag pa niya, may diskriminasyon lang sa dalawa dahil sa kanilang gender.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kung babae at lalaki po sila eh hindi niyo po yan sisilipin at iisipan ng masama. Diniscriminate niyo lang po sila dahil sa kanilang gender orientation.

Nilinaw niya rin na hindi siya fan nina Vice Ganda at Ion dahil mismong siya ay nang-bash umano sa kanila noong 2021.

Hindi po ako fan ni Vice at on. binash ko pa nga sila last 2021 after mag-donate ng 500k pesos. sinasabi ko lang po yung alam kong tama without any bias at all. pero hindi ko po sinasabi na mali kayo ha? taliwas lang po yung paniniwala ko sa opinyon niyo. maaaring mali ako.

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya. Pabiro naman siyang sinagot ni Xian na paalis na siya lalo kung dalawa silang susunod. Hindi man binaggit ni Xian ang pangalan kung sino ang tinutukoy niya, nagbiro ito ng tungkol sa viral na video na binahagi ni Bobby Ray Parks Jr. na sinusuklay niya ang buhok ni Zeinab.

Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica. Ito ay dahil sa kanyang pagiging malapit na kaibigan din ni Zeinab Harake na naglabas ng sama ng loob laban kay Angelica na dati niya ding malapit na kaibigan. Ani Xian, hindi siya makikisali sa gulo ng magkakaibigang ito at mananatili siyang isang tunay na kaibigan sa kanila kahit pa magkatampuhan ang magkaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel